Nagtagumpay sa Thailand: Mga Seminar ng XM sa Forex

Nakapaskel Marso 24, 2020 ng 12:31 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Pebrero 22 hanggang Marso 14, ipinagpatuloy ng XM ang mga libreng forex seminar nito sa Thailand, kung saan nakarating ito sa Surat Thani at Phitsanulok.

Natutuwa kaming makilala ang mga pumunta sa seminar sa bawat lungsod at malaman na ang mga inaalok naming edukasyon sa forex ay tinatangkilik ng dumadaming bilang ng mga nag-i-invest online na regular na pumupunta sa mga seminar ng XM.

Ang paksang ipinresenta ng tagapagturo sa forex na si Sompop Jittrakul ay nakapukaw na naman sa atensyon ng mga pumunta sa seminar, marahil dahil tumuon ito sa pagtukoy ng mga oportunidad sa pagti-trade sa pamamagitan ng paggamit ng ilang tiyak na technical indicators.

Kaya naman, detalyadong ipinaliwanag ng aming tagapagsalita ang trend, momentum at volatility indicators, kabilang na ang magkakaibang pamamaraan sa pagti-trade na maaring matagumpay na magamit para mapababa ang risk sa lahat ng oras.

Gusto naming pasalamatan lahat ng aming mga kliyente dahil sa pagpunta nila sa aming libreng seminar, at habang ipagpapatuloy pa ito sa marami pang lungsod sa Thailand, naniniwala kami na mapapalapit namin ang propesyonal na edukasyon sa mas madami pang mga nag-i-invest online na bago pa lang sa forex.