Isang Gabing ‘Di Malilimutan: ika-7 Anibersaryong Gala ng XM sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Nobyembre 25, 2019 ng 1:03 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Nobyembre 16, idinaos ng XM ang taunan nitong engrandeng gala sa kapital ng Malaysia bilang pagdiriwang sa pitong magkakasunod na taon ng matagumpay na pagne-negosyo sa Malaysia.

Naging sentro ng kaganapan ang paggunita ng aming ika-7 anibersaryo katuwang ng mga kliyente sa napakagandang kapaligiran ng Shangri-La Kuala Lumpur. Layunin ng masayang gala ang pakikipag-ugnayan naming muli sa mga kliyente, pagbabahagi ng mga ‘di malilimutang pangyayari, at higit sa lahat ang pagbatid ng aming pagpapahalaga sa kanilang pagtangkilik sa XM.

Natutuwa kaming makilala ang mga bisita at matugunan ang kanilang mga inaabangan sa isang gabi na puno ng karangyaan. Ang magarang pagdiriwang ay nagtampok ng engrandeng handaan na may kasamang mga live na pagtatanghal para makapagbigay ng napakahusay na karanasan sa lahat ng mga nakisaya dito.

Hindi mapapantayan ang mahabang relasyon na nabuo namin katuwang ng mga kliyente nitong mga nakaraang taon, at ang paggunita dito ay isang napaka-importanteng tagumpay na siyang dahilan kung bakit ‘di malilimutan ang gabing ito.

Para panatilihing kapana-panabik ang gabi, maliban sa marangyang handaan at mga live na pagtatanghal na nagtiyak ng masiglang kapaligiran sa Shangri-La Hotel, nagkaroon din kami ng raffle sa gala na nagpamigay ng mga premyong nagkakahalaga ng mahigit sa $100,000.

Binabati naming muli ang 15 maswerteng nanalo, at makikita sa ibaba ang kanilang mga napanalunan.

Mga Nanalo sa Raffle

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Mercedes-Benz C300 2.0 AMG Sedan 4226144
Premyo 2: $10,000 na balanse sa XM MT4/MT5 account 17013810
Premyo 3: $4,000 na balanse sa XM MT4/MT5 account 12097777
Premyo 4: $3,000 na balanse sa XM MT4/MT5 account 45159926
Premyo 5: Tag Heuer Classic na relo 24023957
Premyo 6: iPhone XS Max, 64GB 43010984
Premyo 7: Samsung Galaxy S10 128GB mobile phone 46000869
Premyo 8: 2-gabi sa The Ritz-Carlton Kuala Lumpur para sa 2 tao 18125756
Premyo 9: $500 na balanse sa XM MT4/MT5 account 12194078
Premyo 10: $500 na balanse sa XM MT4/MT5 account 33227780
Premyo 11: iPad (Wi-fi), 32GB 12135278
Premyo 12: iPad (Wi-fi), 32GB 42188880
Premyo 13: $300 na balanse sa XM MT4/MT5 account 42027120
Premyo 14: $250 na balanse sa XM MT4/MT5 account 48027804
Premyo 15: $200 na balanse sa XM MT4/MT5 account 21065071

Sa kabila ng XM, gusto naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng mga bisita na nakilala namin sa gala.