post-image

Lumahok ang XM sa mga Pinansyal na Forum sa Portugal at Espanya

Nakapaskel Disyembre 10, 2019 ng 1:08 pm GMT

Sa pagitan ng Nobyembre 5 at 30 ngayong taon, lumahok ang XM sa apat na magkakasunod na pagtitipon na may kinalaman sa pananalapi, kung saan ang bawat isa sa mga ito ay nagbigay sa amin ng oportunidad para makasalamuha ang aming mga kasalukuyang kliyente at ipakilala sa mga potensyal na kliyente ang mga serbisyo ng XM. Ang mga pinansyal na forum na pinuntahan namin ay ang mga sumusunod: Rankia Markets Experience Lisboa sa kapital ng Portugal noong Nobyembre 5, na [..]

post-image

Mga XM Forex Seminar Nakarating sa iba pang mga Destinasyon sa Mexico

Nakapaskel Disyembre 9, 2019 ng 9:36 am GMT

Dalawa pang edukasyonal na seminar ang matagumpay na idinaos sa Latin America, kung saan sinalubong ng mga dedikadong kinatawan ng XM ang mga bisita sa libreng forex seminar sa Querétaro noong Oktubre 19, na sinundan sa Mexico City noong Nobyembre 30. Napakahalaga para sa mga nag-i-invest online ang abilidad na gamitin nang tama ang technical analysis tools pagdating sa pagsusuri ng galaw ng market, lakas ng trend at price action. Kaya naman, nagsagawa ng libreng seminar ang XM sa parehong [..]

post-image

Nagsagawa ang XM ng Seminar sa Athens Tungkol sa mga Istratehiya sa Pag-trade

Nakapaskel Disyembre 5, 2019 ng 8:45 am GMT

Ngayong buwan nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga indibidwal na nag-i-invest para makapunta sa forex seminar ng XM sa kapital ng Greece, kung saan tinalakay ng tagapagsalita na si Avramis Despotis ang seminar na pinamagatang Pagplano sa Pagpasok at Paglabas ng Market gamit ang Moving Average Ribbon. Inorganisa sa InterContinental Athenaeum Hotel sa Athens noong Nobyembre 23, ang forex seminar at workshop ay dedikado sa masinsinang pagtuturo ng mga istratehiya sa pagsunod sa trend, na lubhang mapapakinabangan pagdating sa [..]

post-image

Binisita ng XM ang Costa Rica, Ecuador at Argentina para Magsagawa ng mga Forex Seminar

Nakapaskel Disyembre 4, 2019 ng 10:08 am GMT

Ngayong Nobyembre binisita ng XM ang tatlo pang bansa sa Latin America (Costa Rica, Ecuador at Argentina) para mas mapalapit pa ang pagtuturo ng forex sa mga nag-i-invest online na interesadong mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang praktikal na kaalaman. Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon, bumisita ulit kami sa lungsod ng San José, Quito at Buenos Aires nang may kaparehong pagkatuwa at pagkasabik tulad ng dati dahil sa pakikipag-ugnayan naming muli sa mga kliyente. Ang instruktor [..]

post-image

Dumalo ang XM sa ITForum Expo sa Pag-invest at Pag-trade sa Milan

Nakapaskel Disyembre 2, 2019 ng 12:57 pm GMT

Sa loob nitong mga nakaraang taon, nakapunta na ang XM sa napakaraming mga expo sa Italya na may kinalaman sa pananalapi, dahil sa pangunahing layunin na makipag-ugnayan sa mga kliyente at ipakita ang malawak na hanay ng mga serbisyo at produkto nito sa mga nag-i-invest online. Noong Nobyembre 27, ang prestihiyosong ITForum expo sa pag-invest at pag-trade ay idinaos sa Milan para magbigay ng iisang lugar sa mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo at mga indibidwal na bisita upang magkakilala [..]

post-image

Pagtulong sa mga Batang Kapus-Palad – Kawanggawa ng XM sa Manila

Nakapaskel Disyembre 2, 2019 ng 8:53 am GMT

Isa sa mga pangunahing bahagi ng kawanggawa ng XM ay ang pakikipag-ugnayan sa mga internasyonal na organisasyong tumutulong sa kapakanan ng mga batang nangangailangan. Ilang araw matapos ang pagbibigay namin ng donasyon sa isang organisasyon sa kapital ng Malaysia, nagsagawa naman kami ng kaparehong kawanggawa sa Manila ngayong Nobyembre, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Virlanie Foundation, isang non-profit na kasalukuyang kumukupkop at sumusuporta sa daan-daang batang lansangan sa Pilipinas. Ang mga dedikado naming miyembro na sinalubong ng mga kinatawan ng [..]

post-image

Nag-organisa ang XM ng Kawanggawa Katuwang ng NASOM sa Malaysia

Nakapaskel Nobyembre 28, 2019 ng 9:08 am GMT

Walang kinikilalang hangganan ang kawanggawa, maging ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa mga taong naghihikahos dahil sa matinding kapansanan. Noong Nobyembre 21, nag-organisa ng kawanggawa ang mga dedikado naming kinatawan, katuwang ng NASOM (The National Autism Society of Malaysia) para sa layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga batang autistic. Tinatayang isa sa bawat 160 bata sa buong mundo ang dumadanas ng autism spectrum disorder, isang kapansanan na maaring magtakda ng malaking limitasyon para mamuhay nang nakapag-iisa. Sa pagtatangkang [..]

post-image

Matagumpay na Nagdaos ang XM ng Forex Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Nobyembre 27, 2019 ng 9:54 am GMT

Noong Nobyembre 23, ang kapital ng Thailand ang pinili na naman naming lokasyon para magdaos ng malaking seminar para sa mga nag-i-invest na handang mapabuti ang kanilang pagti-trade gamit ang bagong kaalaman para sa mas mahusay na resulta. Ang aming forex seminar na isinagawa sa Marriott Marquis Queen’s Park Hotel sa Bangkok ay sumalubong sa napakaraming bilang ng mga nag-i-invest online, at pinamunuan ito ni Feungtot Paitivetwanakit. Ang paksa ng presentasyon ay dedikado para matuto ang mga bisita ng mahahalagang [..]

post-image

Isang Gabing ‘Di Malilimutan: ika-7 Anibersaryong Gala ng XM sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Nobyembre 25, 2019 ng 1:03 pm GMT

Noong Nobyembre 16, idinaos ng XM ang taunan nitong engrandeng gala sa kapital ng Malaysia bilang pagdiriwang sa pitong magkakasunod na taon ng matagumpay na pagne-negosyo sa Malaysia. Naging sentro ng kaganapan ang paggunita ng aming ika-7 anibersaryo katuwang ng mga kliyente sa napakagandang kapaligiran ng Shangri-La Kuala Lumpur. Layunin ng masayang gala ang pakikipag-ugnayan naming muli sa mga kliyente, pagbabahagi ng mga ‘di malilimutang pangyayari, at higit sa lahat ang pagbatid ng aming pagpapahalaga sa kanilang pagtangkilik sa XM. [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.