post-image

Bumisita ang XM sa Tunis Para sa Isang Forex Technical Analysis Seminar

Nakapaskel Nobyembre 5, 2019 ng 8:35 am GMT

Noong Oktubre 26, bumalik ang mga dedikadong kinatawan ng aming kumpanya sa Hilagang Africa para salubungin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM sa isang edukasyonal na seminar tungkol sa technical analysis kapag nagti-trade online. Bukod sa natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na maranasan ang mabuting pakikisama ng mga lokal na mamamayan ng Tunis, nabigyan din namin ng pagkakataon ang mga nag-i-invest para makapunta sa libreng forex seminar na pinamunuan ng Instruktor sa Technical Analysis ng Tradepedia LLC na [..]

post-image

Lumahok ang XM sa Trade Fair na Investing Roma sa Italya

Nakapaskel Nobyembre 4, 2019 ng 12:18 pm GMT

Nakapunta na ang XM sa iba’t-ibang pinansyal na expo na inorganisa sa Italya ngayong taon, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay ang Investing Roma, na isinagawa noong Oktubre 4. Ito ang unang pagkakataon na pumunta ang XM sa Investing Roma, na sumalubong sa napakaraming bilang ng mga exhibitor at bisita sa Centro Congressi Roma. Natutuwa kaming makasalamuha muli sa personal ang marami sa aming mga kliyente, at ipakilala sa mga potensyal na kliyente ang hanay ng mga serbisyo [..]

post-image

Importanteng Notipikasyon – Bank Holidays ngayong Nobyembre

Nakapaskel Oktubre 31, 2019 ng 8:24 am GMT

Gusto naming ipaalam sa’yo na dahil sa magkakaibang pampublikong pista opisyal na gaganapin ngayong Nobyembre, ang oras ng pag-trade ng iba’t-ibang mga instrument ay maaapektuhan sa pagitan ng Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 29, 2019. Mangyaring tingnan ang mga table sa ibaba para makita kung alin sa mga instrument ang maaapektuhan at kung paano: [..]

post-image

Nakilala ng XM sa mga Forex Seminar ang mga Nagti-trade sa Panama at Peru

Nakapaskel Oktubre 30, 2019 ng 9:15 am GMT

Ang dalawang pinakabagong lokasyon ng mga forex seminar kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang XM na makilala ang mga kliyenteng taga Latin America ay ang Panama City noong Oktubre 12 at Lima noong Oktubre 19. Paano hanapin ang mga instrument na pinakamalakas mag-trend? Paano madaling makita ang lebel ng support at resistance? Paano tukuyin ang mahahalagang turning point sa market bago magsagawa ng desisyon sa pag-i-invest? Ito ang mga pangunahing katanungan na binigyang-pansin ng instruktor sa forex na si Felipe [..]

post-image

Kilalanin ang XM sa mga Pinansyal na Pulong sa Portugal at Spain

Nakapaskel Oktubre 29, 2019 ng 1:21 pm GMT

Isa sa mga patuloy na pinaniniwalaan ng XM ay ang pagbubuo ng mga oportunidad para makilala sa personal ang mga kliyente saan mang panig ng mundo, at pagiging aktibo sa mga kaganapan kung saan makakasalamuha namin ang mga indibidwal na mahilig sa pag-i-invest online. Isang malaking karangalan ang ibalita na sa pagitan ng Nobyembre 5-30, 2019, lalahok ang XM sa apat na magkakaibang pagtitipon sa Europa, kung saan ang bawat isa sa mga ito ay may layuning mapalapit ang mga [..]

post-image

Pinakabagong mga Forex Seminar Matagumpay na Idinaos sa Thailand

Nakapaskel Oktubre 29, 2019 ng 9:16 am GMT

Mula Enero, nakapagsagawa na ang XM na napakaraming mga forex trading seminar sa buong Thailand, para makapagbigay ng oportunidad sa mga nag-i-invest online na makaranas ng libreng edukasyon na may mataas na kalidad. Ang tatlong pinakabagong lokasyon ng seminar sa Thailand na Phuket, Chonburi at Udon Thani ay idinaos sa pagitan ng Setyembre 7 hanggang Oktubre 19, kung saan sinalubong namin ang mga bisita na pursigidong matuto ng bagong kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex. Sa bawat [..]

post-image

Mga XM Seminar Tungkol sa Madiskarteng Pag-trade Idinaos sa Pilipinas

Nakapaskel Oktubre 25, 2019 ng 12:17 pm GMT

Para sa lahat ng mga mahilig mag-trade ng forex at determinadong matuto ng bagong kaalaman tungkol sa mga istratehiya sa pag-trade, nagsagawa pa ng mga seminar ang XM sa Pilipinas sa pagitan ng Setyembre 14 hanggang Oktubre 12. Ang tatlong lungsod na binisita namin ay ang Davao, Bacolod at General Santos City, kung saan pinamunuan ng propesyonal na instruktor at batikan sa pag-i-invest na si Jonathan Lou Reyes ang mapapakinabangang presentasyon tungkol sa pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon indicator. [..]

post-image

Ginawaran ang XM ng mga Pinakamatataas na Parangal sa Global Forex Awards 2019

Nakapaskel Oktubre 25, 2019 ng 6:54 am GMT

Isang malaking karangalan na ibalita na noong Oktubre 3, kinilala ng Global Forex Awards 2019 ang XM sa pamamagitan ng dalawang mataas na parangal dahil sa husay na ipinakita nito sa pinansyal na industriya: ang Pandaigdigang Forex Broker ng Taon sa kategorya ng mga pandaigdigang parangal at Pinaka-pinagkakatiwalaang Forex Broker sa Asya sa kategorya ng mga rehiyonal na parangal. Ang parehong parangal ay iginawad sa mga kinatawan ng aming kumpanya sa opisyal na seremonya na idinaos sa St. Raphael Marina [..]

post-image

Babalik ang XM sa Italya para sa ITForum Milan 2019

Nakapaskel Oktubre 23, 2019 ng 7:01 am GMT

Sa ika-anim na pagkakataon, babalik ang XM sa ITForum sa Italya, ngayon naman sa kapital ng Lombardy, sa Milan, ngayong Nobyembre 27. Nagsisilbi bilang forum sa pag-i-invest at pagti-trade, ang taunang ITForum Milan ay may layuning tipunin ang daan-daang nag-i-invest online at mga exhibitor, para makapagbigay ng iisang lugar para sa mga kumpanyang aktibo sa industriya ng pananalapi at pagbabangko, pati na ng mga indibidwal na interesado sa kanilang mga serbisyo. Sa Nobyembre 27, ang ITForum Milan na gaganapin sa [..]

post-image

Ipinagdiwang ng XM ang ika-5 Anibersaryo nito sa Engrandeng Gala sa Bangkok

Nakapaskel Oktubre 22, 2019 ng 7:35 am GMT

Tulad ng nakagawian, ginugunita ng XM ang mga mahahalagang tagumpay ng kumpanya katuwang ng mga kliyente, na kasama naming bumuo ng matibay na samahan sa loob ng maraming taon. Ang pinakabago sa mga pagdiriwang na ito ay idinaos sa kapital ng Thailand noong Oktubre 5. Sa napaka-espesyal na okasyong ito, natutuwa kaming makasalamuha ang mga kliyente at partner sa taunang engrandeng gala ng XM sa Bangkok, para ipagdiwang ang ikalimang sunud-sunod na taon ng aming kumpanya sa Thailand. Ang pinagdausan [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.