post-image

Nag-donate ang XM sa mga Nasunugan sa Penteli

Ipinaskil Setyembre 26, 2022 ng 8:21 AM GMT

Nagbigay kami kamakailan ng pambili ng kagamitang medikal at pagkain para sa mga biktima ng sunog na sumiklab sa bahagi ng Penteli, na malapit sa Athens sa Greece. Ang donasyon sa mga nasunugan, pati sa mga lokal na komunidad at hayop, ay nakatulong upang makabangon sila nang mas mabilis at lampasan ang mga nakakasirang epekto ng sunog, habang inaasikaso namin ang kanilang mga pangangailan. Naospital ang hindi bababa sa 34 na katao dahil sa sunog na tumama sa 6,800 ektarya [..]

post-image

XM Pinakain ang mga Nagugutom sa South Africa

Ipinaskil Setyembre 23, 2022 ng 7:50 AM GMT

Dumalo kami kamakailan sa Mandela Day 2022 sa Cape Town, South Africa, na tumuon ngayong taon sa pagpapakain sa mga lokal na komunidad para gunitain ang makataong misyon ni Nelson Mandela. Tuwing Mandela Day, hinihikayat ang lahat na maglaan ng 67 minuto para gumawa ng kabutihan sa komunidad, sa anyo man ito ng pagboboluntaryo o pagbibigay ng donasyon. Ang event ngayong taon ay tungkol sa seguridad ng makakain at pagbabago ng klima. Nakibahagi ang mga boluntaryo ng XM sa pamimigay [..]

post-image

Pagtulong ng XM sa mga Naghihikahos sa Egypt

Ipinaskil Setyembre 22, 2022 ng 7:51 AM GMT

Nagbigay kami kamakailan ng pangalawang donasyon sa organisasyon na Haya Karima sa Cairo, Egypt, para suportahan ang kanilang pagsisikap na maibsan ang kahirapan ng taumbayan. Nitong mga nakaraang taon, marami nang kinaharap na pagsubok sa ekonomiya ang Egypt, at hirap pa ring makabangon ang marami. Tumutuon ang Haya Karima sa pagtulong na makatayo sila sa sarili nilang paa at mamuhay nang marangal. Layunin ng organisasyon na tulungan ang mga nangangailangan at bigyan sila ng kabuhayan para maiangat ang kanilang mga [..]

post-image

XM Tumutulong na Wakasan ang Gutom sa Singapore

Ipinaskil Setyembre 19, 2022 ng 9:25 AM GMT

Nagbigay kami ng donasyon kamakailan sa Hydroponics Vegetable Distribution Program ng Free Food For All (FFFA), na naglalayong magbigay ng masustansyang pagkain sa mga naghihikahos na pamilya at makatulong na mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain. Itinatag ang FFFA noong 2014 para magpamahagi ng pagkain sa mga mahihirap at lumawak ito sa iba pang mga lokal na komunidad sa Singapore. Tumutuon ito ngayon sa seguridad ng makakain, pagpapabuti ng nutrisyon, pagtataguyod ng napapanatiling agrikultura, at siyempre, sa pagtatapos ng kagutuman. Ang [..]

post-image

Pagtulong ng XM sa mga Ulilang Bata sa Malaysia

Ipinaskil Setyembre 16, 2022 ng 8:06 AM GMT

Nagbigay ng donasyon kamakailan ang XM sa OrphanCare Foundation sa Malaysia para suportahan ang espesyal nilang programa na nagbibigay ng bagong tahanan sa mga batang inabandona ng kanilang mga pamilya. Itinatag noong 2008 ang organisasyon bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga inabandonang bata. Layunin nilang makapagbigay ng ligtas at kumakalingang kapaligiran at mapabuti ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa isang mapagmahal na pamilya. Ultimong layunin nila ang siguruhin ang kinabukasan ng mga bata [..]

post-image

Pagtulong ng XM sa mga Batang Refugee sa Cyprus

Ipinaskil Setyembre 14, 2022 ng 8:21 AM GMT

Nagbigay ang XM ng mga pangunahing pangangailangan sa daan-daang batang refugee na walang kasama at kasalukuyang naninirahan sa Pournara Reception Centre na para sa mga naghahanap ng asylum sa Cyprus. Ang centre sa Pournara ay nagsisilbi bilang kauna-unahang lugar kung saan sinasalubong at inirerehistro ang mga refugee na dumating sa Cyprus. Napwersa silang lisanin ang kanilang mga tirahan para makaligtas sa sakuna at makaiwas sa panganib. Marami rito ang mga ulila at kinailangang iwanan ang kanilang mga pamilya. Para sa [..]

post-image

Pagtulong ng XM sa UNHCR at mga Batang Refugee

Ipinaskil Setyembre 13, 2022 ng 8:55 AM GMT

Patuloy na nakikipagtulungan ang XM sa UNHCR para suportahan ang National Emergency Response Mechanism (NERM) na nagbibigay proteksyon sa mga walang kasamang batang refugee sa Greece. Nitong Marso 2022, mahigit 6,000 bata ang pumasok ng Greece dahil sa krisis sa Ukraine, kaya naman mas mahalaga ngayon ang pagsisikap na ginagawa ng NERM. Nagbibigay ang NERM ng 24/7 na hotline sa telepono na nakakatanggap ng impormasyon tungkol sa mga batang walang kasama na naninirahan sa delikadong kondisyon. Magagamit ito sa iba’t-ibang [..]

post-image

XM Tinupad ang Pangarap ng mga Batang may Sakit

Ipinaskil Setyembre 8, 2022 ng 9:24 AM GMT

Kamakailan, nakipag-ugnayan kami sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa para suportahan ang kanilang pagtulong sa mga batang lumalaban sa matitinding karamdaman tulad ng kanser at tumor sa utak. Sabay naming naisip ang ideya na pumili ng dalawang bata buwan-buwan at tuparin ang kanilang mga hiling upang mapasaya ang kanilang araw. Ngayong tag-init, nakilala namin ang dalawang magigiting na bata. Tinanong namin si Akhule, na lumalaban sa B-cell acute lymphoblastic leukaemia, at si Senamile, na mayroong osteosarcoma, kung [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang mga Ulila sa Greece

Ipinaskil Setyembre 7, 2022 ng 9:28 AM GMT

Nagbigay ang XM ng regalo sa mga naghihikahos na batang babae na sinusuportahan ng Chatzikiriakeio Childcare Institution sa Greece. Ang Chatzikiriakeio Childcare Institution ay tahanan ng mga batang babae na may edad na 6 pataas, na galing sa mga pamilyang may problemang pinansyal at panlipunan. Layunin ng institusyon na tulungan silang lumaki na magkaroon ng sariling kabuhayan at mag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng pag-aaruga at pagbibigay ng emosyonal na suporta, pati na ng mga oportunidad sa edukasyon. Sa pamamagitan [..]

post-image

XM Nagbigay ng Gamit Pang-eskwela sa Vietnam

Ipinaskil Setyembre 5, 2022 ng 9:16 AM GMT

Nakipagtulungan ang XM sa saigonchildren para magbigay ng 499 na set ng mga gamit pang-eskwela para sa mga kapus-palad na estudyante sa Binh Tan District, na matatagpuan sa labas ng Ho Chi Minh City sa Vietnam. Naniniwala kami na dapat makakuha ang bawat bata ng de-kalidad na edukasyon, isang mahalagang aspeto para magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Gayunpaman, maraming sagabal dito. Milyon-milyong mahihirap na kabataan ang hindi man lang kayang bumili ng mga pangunahing gamit pang-eskwela. Sa pagsisikap na tanggalin [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.