post-image

Tulong ng XM at MRCS sa mga Nabaha sa Malaysia

Ipinaskil Agosto 25, 2022 ng 7:51 AM GMT

Noong Abril 2022, nakipagtulungan ang XM sa Malaysian Red Crescent Society (MRCS) para maghanda at magpamigay ng mga hygiene kit sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa unang bahagi nitong taon. Dumanas ang Malaysia ng sakuna na nangyayari lamang kada siglo. Tatlong araw na tuloy-tuloy na pag-ulan ang nagdulot ng pagbaha na sumalanta sa libo-libong tao sa pitong estado sa Malaysia, lalo na sa Terengganu at Kelantan, na sumira sa pag-asa nila na magkaroon ng manigong bagong taon. Isa [..]

post-image

Tulong ng XM sa mga may Kapansanan sa Pakistan

Ipinaskil Agosto 22, 2022 ng 1:07 PM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa Dar ul Sukun, isang organisasyon para sa mga batang may matinding kapansanan sa Karachi, Pakistan. Nagbibigay ito ng pagkalinga, edukasyon, pakikiisa sa komunidad, pasilidad sa sports, pati na ng tirahan sa mga batang may kumplikadong pisikal at intelektwal na kapansanan. Nangangailangan ng dagdag na aruga ang mga batang ito para mamuhay nang marangal. Nagbigay kami ng pagkain, laruan, at edukasyonal na materyales dahil habang-buhay ang epekto ng kalidad ng sustansya at pag-aaral sa ganitong [..]

post-image

Tinutupad ng XM ang Pangarap ng mga Bata

Ipinaskil Agosto 18, 2022 ng 10:26 AM GMT

Nakikipagtulungan ang XM sa Reach for a Dream Foundation sa South Africa para tumulong na magbigay ng kasiyahan sa buhay ng mga batang dumaranas ng matinding karamdaman. Buwan-buwan, tinutupad namin ang pangarap ng dalawang matapang na bata. Nitong Hunyo, nakipag-ugnayan kami sa mga batang ito na may kritikal na kondisyon upang tuparin ang kanilang mga kahilingan. Anthony, 12 taong gulang Si Anthony ay isang mahiyaing batang lalaki na mahilig magluto at magbisikleta, at gusto niyang maging isang surgeon sa hinaharap. [..]

post-image

Suporta ng XM at ActionAid sa mga Batang Mahirap

Ipinaskil Hulyo 4, 2022 ng 8:24 AM GMT

Simula noong 2017, sinuportahan na ng XM at ActionAid ang 40 batang nangangailangan, pati na ang kanilang mga pamilya at komunidad sa Bangladesh, Sierra Leone, at Zambia. Sa pamamagitan ng pag-sponsor sa mga bata, nakatulong kami sa pagbibigay ng makakain pagkatapos ng matinding tagtuyot, paggawa ng bagong kanlungan na sumusuporta sa karapatan ng mga batang babae na makapag-aral, at pag-organisa ng pagsasanay sa agrikultura para labanan ang kahirapan at malnutrisyon. Misyon ng XM na gawing mas magandang lugar ang mundo [..]

post-image

XM sa Egypt: Donasyon sa Haya Karima

Ipinaskil Hunyo 27, 2022 ng 8:21 AM GMT

Patuloy na tumatakbo sa maraming bahagi ng mundo ang pagsisikap ng aming kumpanya na pabutihin ang lipunan sa kahit na anong paraan at suportahan ang mga komunidad na nangangailangan. Sa pagtatangkang suportahan ang kahanga-hangang inisyatiba ng Haya Karima sa Egypt, nagbigay ng pondo ang XM sa organisasyong ito para itaguyod ang pagpapaunlad ng mga naghihirap na komunidad sa Egypt na nangangailangan ng agarang tulong. Naniniwala kami na makakatulong ang donasyon ng XM sa pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng [..]

post-image

Donasyon ng XM sa Hope for Children

Ipinaskil Hunyo 10, 2022 ng 9:52 AM GMT

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na suportahan ang mga makataong kawanggawa, nag-abot ng donasyon ang XM sa Hope for Children. Nagbigay ng pondo ang XM sa organisasyon na Hope for Children na naka-base sa Nicosia, pati ng mga bagong kasangkapan na kailangan sa bago nilang opisina sa Limassol. Tungkol sa Hope for Children Ang Hope for Children CRC policy center sa Cyprus ay internasyonal na independiyenteng institusyon na tumatakbo alinsunod sa mga pamantayang inilatag ng UN Convention on the [..]

post-image

XM sa Uganda: Anim na Taong Kawanggawa

Ipinaskil Hunyo 6, 2022 ng 6:59 AM GMT

Noong 2017, inumpisahan ng XM ang una nitong proyekto para tulungan ang mga batang nangangailangan sa Uganda. Sinundan ito ng iba pang pagkilos na dedikado sa paghubog ng mas maliwanag na hinaharap para sa mga kapus-palad. Kamakailan, sinalubong namin sa punong-tanggapan ng XM sa Cyprus si Fr. Antonios Mutyaba, isang kahanga-hangang pari mula sa distrito ng Wakiso sa Uganda. Ipinagdiwang namin ang aming matagumpay na pakikipagtulungan at sinumulang planuhin ang mga susunod na kawanggawa. Ang una naming pakikipag-ugnayan kay Fr. [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa NPO na Human Initiative

Ipinaskil Hunyo 1, 2022 ng 2:18 PM GMT

Sa pakikiisa sa non-profit na organisasyon sa Indonesia na Human Initiative, nagbigay ng donasyon ang XM nitong Marso bilang pagsuporta sa mga komunidad na tinamaan ng pagsabog ng bulkang Semeru. Ang Semeru ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa silangang Java, sa Indonesia. Dahil sa malakas na pagputok nito noong Disyembre 2021, napakaraming tao ang namatay at napilitang lumikas sa ligtas na lugar ang libo-libong residente. Patuloy pa rin ang pagsagip at pagkilos ng Human Initiative upang tulungan ang mga nakaligtas [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa Childhope Philippines

Ipinaskil Mayo 26, 2022 ng 1:19 PM GMT

Daan-daang libong bata sa Pilipinas ang naninirahan sa mga lansangan, at marami sa kanila ang inulila at namumuhay sa sukdulang kahirapan sa Kalakhang Maynila. Sa pagsisikap na protektahan ang karapatan ng mga bata at makagawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga batang kalye, nagbigay ng donasyon ang XM sa Childhope Philippines para magpamahagi ng mga hygiene kit, pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan sa mga kapus-palad. Napakahalaga ng bawat makataong aksyon habang patuloy na tumataas ang antas ng kahirapan at [..]

post-image

Nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society

Ipinaskil Mayo 23, 2022 ng 12:01 PM GMT

Nagbigay ng kontribusyon ang XM bilang pakikiisa sa dumaraming bilang ng mga organisasyon ng kawanggawa na sumusuporta sa mahigit 75 milyong taong apektado ng Autism Spectrum Disorder (ASD). Para ipahayag ang pakikiisa nito, nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society, na may misyong makagawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga batang may autism, dahil bumubuti ang kanilang kasanayan sa lipunan, komunikasyon, at pag-aaral kapag maaga itong naagapan. Bukod dito, noong Abril 2, bilang pagpupugay sa World Autism Awareness Day, na [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.