CFD at Forex Trading Seminar Isinagawa sa Budapest

Nakapaskel Setyembre 18, 2017 ng 9:37 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang pinakabagong seminar ng XM ay matagumpay na isinagawa sa kapital ng Hungary, ang Budapest, at sumalubong ito sa napakaraming bilang ng mga online investors na nais maging maalam tungkol sa pag-trade ng forex at CFD gamit ang propesyonal na edukasyon sa forex.

Sinalubong namin ang mga dumalo sa Budapest Marriott Hotel, kung saan ang forex instruktor na si Attila Szoboszlai ay nag-presenta ng seminar na pinamagatang Ang Laban sa Pagitan ng Bulls at Bears sa Global Markets, na nagbigay ng masinsinang pagpapaliwanag sa kung paano magkaroon ng sistematikong paraan sa pag-trade ng online forex at stock CFD.

Ang aming mga kasalukuyan at bagong kliyente na sumama sa seminar ay nagkaroon ng oportunidad para makatanggap ng praktikal na impormasyon sa mga pamamaraan para mag-set up ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade na mahusay na tumatakbo sa pag-trade ng forex at CFD sa stocks.

Sa simula, ang mga dumalo sa seminar ay nagkaroon ng mabuting pagkakaintindi sa iba’t-ibang technical analysis tools na ginagamit sa day trading at swing trading, at matapos nito pinakitaan sila ng mga teknik sa pag-trade na magagamit sa pag-iwas sa risk at panghawakan ang sikolohikal na aspeto ng online investing. Higit sa lahat, ipinakita din ni Attila Szoboszlai sa mga dumalo kung paano mag-trade ng stocks sa MT5 multi-asset trading platform na makikita sa XM.

Ang seminar ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan ini-raffle namin ang mga pangalan ng mga maswerteng nanalo, at nais namin ulit silang batiin dito.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: 2-araw na stay sa Shiraz Hotel, Hungary 13556950
Premyo 2: Isang Samsung Galaxy tablet 2156017

Nais namin pasalamatan lahat ng aming mga kliyente na dumalo sa XM seminar, at nasasabik na kaming makita sila muli sa mga nalalapit na forex at CFD trading seminar sa Budapest.