Pinarangalan muli ng COLWMA ang XM bilang Pinakamahusay na FX Service Provider

Nakapaskel Abril 15, 2021 ng 9:25 am GMT. Magbasa Pa Balita

Iginawad ng City of London Wealth Management Awards (COLWMA) sa XM ang parangal na Pinakamahusay na FX Service Provider sa seremonya nito noong Marso. Ito na ang ika-apat na beses simula 2017 na napanalunan namin ang Pinakamahusay na FX Service Provider, na iginagawad sa mga broker na nakapagbibigay ng napakahusay na serbisyo sa pagti-trade ng forex.

Ang taunang COLWMA awards ay sinusuportahan ng London Stock Exchange, at kinikilala, tinataguyod at ginugunita nito ang kalidad ng mga kumpanyang namamahala ng pera pati na ng mga indibidwal. Ang mga nanalo sa COLWMA 2021 ay tinukoy sa pamamagitan ng online na publikong botohan na isinagawa mula Enero 18 hanggang Pebrero 12, at pinangasiwaan ng mga independiyenteng hurado.

Binanggit ng mga nag-organisa na nakapagtala ngayong taon ng pinakamaraming bilang ng boto, kung saan 60,000 boto ang nakalap online. Isinaad din nila na ang mga parangal na ito ay idinisenyo para pataasin ang katayuan ng sektor at ipakita ang kalidad ng mga serbisyong ibinibigay.

Pinasasalamatan ng XM ang City of London Wealth Management Awards at lahat ng mga bumoto para sa amin. Nananatili ang aming dedikasyon at pangako na ibigay sa aming mga kliyente ang pinakamahusay na serbisyo sa kanilang pagti-trade.