Sinusuportahan ng XM ang ACT Indonesia ngayong Pandemya

Nakapaskel Nobyembre 26, 2020 ng 11:16 am GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malungkot na katotohanan ang matinding epekto ng 2020 Covid-19 pandemic sa ekonomiya ng mundo, kung saan pinakaapektado ang mga mahihirap at kapus-palad sa lahat ng grupo sa lipunan.

Dahil wala silang paraan para protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at pamilya, lalo na kung nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya, nagsisikap nang husto ang mga naghihikahos at kapus-palad na komunidad sa buong mundo para makaraos, dahil dito nakataya ang kanilang buhay.

Bilang parte ng aming mga patakaran at inisyatiba sa corporate social responsibility, at pagpapahalaga sa tungkulin na tulungan ang mga tao at komunidad na lubhang nangangailangan ng agarang suporta at tulong, nagbigay kami ng donasyon sa proyekto ng Aksi Cepat Tanggap (ACT) na #BersamaLawanCorona (Sama-samang Labanan ang Corona) noong Oktubre 5, 2020.

Ang #BersamaLawanCorona ay proyekto kasama ng Indonesia Dermawan upang mangalap ng pondo para makapagbigay ng pagkain at hygiene kits sa mga komunidad sa Indonesia ngayong pandemya. Para magbasa pa tungkol sa proyekto at makapagbigay ng tulong, bisitahin ang kanilang website dito.

Sa XM, dalawa sa napakahalagang prinsipyo at saligan namin ang pagiging patas at makataong pag-uugali. Dedikado kami palagi sa pagtulong sa napakaraming kapus-palad sa buong mundo hangga’t kaya namin, para magkaroon sila ng pantay na oportunidad pagdating sa pang-araw-araw na kaligtasan pati na ng kanilang mga pamilya.