Nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society

Nakapaskel Mayo 23, 2022 ng 12:01 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng kontribusyon ang XM bilang pakikiisa sa dumaraming bilang ng mga organisasyon ng kawanggawa na sumusuporta sa mahigit 75 milyong taong apektado ng Autism Spectrum Disorder (ASD).

Para ipahayag ang pakikiisa nito, nag-donate ang XM sa Cyprus Autism Society, na may misyong makagawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga batang may autism, dahil bumubuti ang kanilang kasanayan sa lipunan, komunikasyon, at pag-aaral kapag maaga itong naagapan.

Bukod dito, noong Abril 2, bilang pagpupugay sa World Autism Awareness Day, na dedikado sa pagpapalaganap ng kamalayan sa mga indibidwal na may ASD, sama-samang nagsuot ng kulay asul ang mga nasa punong-tanggapan ng XM.

Sa bawat pagsisikap na gagawin natin para mapabuti ang buhay ng mga taong autistic, naniniwala kami na maliban sa kamalayan, lahat ng tulong — gaano man ito kaliit o kalaki — ay maituturing na isang hakbang pasulong. Samahan ang XM na gumawa ng pagkakaiba sa pamamagitan ng pag-donate dito.