Nagtagumpay ang Eksklusibong XM Forex Seminar sa Bangkok ngayong Mayo

Nakapaskel Mayo 14, 2019 ng 8:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Mayo, nagsagawa ang XM ng eksklusibong forex seminar sa kabisera ng Thailand, ang Bangkok, kung saan nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang mga nag-i-invest online na seryoso sa kanilang interes na matuto mula sa mga propesyonal.

Ang pang-edukasyonal na seminar na isinagawa sa The Athenee Hotel noong Mayo 11 ay pinamunuan ng tagapagturo ng forex na si Feungtot Paitivetwanakit. Nagbigay siya ng makabuluhang presentasyon tungkol sa paksang pinamagatang Pagpapakilala sa Candlestick Chart Trading.

Ang inaabangang seminar ay idinaos para matugunan ang pangangailangan ng mga baguhan sa pagti-trade ng forex, o ng mga naghahanap ng kalidad na edukasyon para mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest. Napakaraming mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM ang pumunta sa seminar para matuto ng: malinaw at madaling sundan na gabay sa paggamit ng Japanese candlestick charts para matukoy ang turning points sa market, malaman ang panandaliang direksyon ng presyo, at makapagsagawa ng mas tamang desisyon sa pag-trade kapag nag-i-invest sa forex o iba pang pinansyal na instrument.

Sa kabila ng XM, lubos naming pinasasalamatan ang bawat isa sa mga bisita na pumunta sa seminar. Natutuwa din kaming imbitahan ang mga hindi nakapunta dito para mag-rehistro sa mga nalalapit pang seminar sa Thailand.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar, mangyaring mag-click dito.