Karaniwang mga Katanungan

Mga Sumusuportang Dokumento

Ipakita lahat|Itago lahat

Anong mga sumusuportang dokumento ang kailangan ko kung gusto kong maging kliyente ninyo?

  • Isang de-kolor na kopya ng iyong valid passport o iba pang opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan na in-isyu ng awtoridad (hal. driver's license, identity card, atbp). Ang dokumento ng pagkakakilanlan ay kailangang maglaman ng buong pangalan ng kliyente, petsa ng pag-isyu at pag-expire, lugar at petsa ng kapanganakan ng kliyente o tax identification number at pirma ng kliyente.
  • Nakaraang utility bill (hal. kuryente, gas, tubig, telepono, oil, internet at/o cable TV, bank account statement) na may petsa sa nakaraang 3 buwan at kumukumpirma sa iyong naka-rehistrong address.

Kailangan ko bang magbigay ng katunayan ng tinitirahan?

Oo, kailangan. Para magsimulang mag-trade at makapag-withdraw mula sa iyong account, ang iyong account ay kailangang ma-validate, kaya naman kailangan mong magbigay ng nakaraang utility bill (hal. kuryente, gas, tubig, telepono, oil, internet at/o cable TV) o bank account statement na hindi lalagpas ng 3 buwan, at kumukumpira sa iyong naka-rehistrong address.

Bakit ko kailangang mag-sumite ng mga dokumento para ma-validate ang aking account?

Bilang reguladong kumpanya, tumatakbo kami ayon sa aming mga internal na proseso na idinisenyo para sumunod sa lahat ng mga pang-lehislatura at kinakailangang regulasyon. Ang mga prosesong ito ay nagtataglay ng pag-kolekta ng sapat na dokumentasyon mula sa aming mga kliyente ayon sa KYC (Know Your Client), kabilang na ang pag-kolekta ng valid ID card at nakaraang (sa loob ng 6 buwan) na utility bill o bank account statement na kumukumpirma sa naka-rehistrong address ng kliyente.

Maaari ba akong magbukas ng account kahit magbibigay ako ng ibang dokumento ng pagkakakilanlan maliban sa aking passport?

Oo, maaari. Kaya lang, mas mainam na gumamit ng parehas na personal na detalye para sa iyong iba pang (mga) trading account. Maaari kang mag-rehistro para sa karagdagang account sa Members Area gamit ang 1 click. Pakitandaan na ang pinakamaraming bilang ng account na pinapahintulutan kada kliyente ay 8.

Kailangan ko bang mag-upload ulit ng dokumento kapag nagbukas ako ng bagong trading account at ang aking unang account ay na-validate na?

Hindi, ang iyong bagong account ay iba-validate nang awtomatiko, basta't gagamitin mo ang parehong personal / contact details ng iyong naunang account.

Maaari ko bang i-update ang aking personal na impormasyon?

Kung nais mong i-update ang iyong email address, mangyaring magsumite ng email sa compliance@xm.co.uk gamit ang iyong naka-rehistrong email address.

Kung gusto mong i-update ang iyong address, mangyaring magpadala ng email sa validations@xm.co.uk gamit ang iyong naka-rehistrong email address at i-upload ang Patunay ng Tinitirahan (na in-isyu sa nakaraang 3 buwan) na kumukumpirma sa iyong address sa Members Area.

Mga Trading Account

Ipakita lahat|Itago lahat

Paano ako makakapagbukas ng trading account?

Simple lang ito at mabilis. I-click ang Magbukas ng Real Account, punan ang form at kapag nakumpleto ito makakatanggap ka ng email kasama ng detalye ng iyong login na maaari mong gamitin para mag-login sa aming secure na Members Area. Dito maaari mong pondohan ang iyong trading account sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Deposito na tab sa main menu. Kung isa ka nang XM Real Account holder maaari kang magbukas ng karagdagang account sa Members Area.

Gaano katagal bago ako makapagbukas ng trading account?

Kung napunan mo nang tama ang lahat ng detalye, hindi ito lalagpas ng 5 minuto.

Paano ako makakapagsimulang mag-trade?

Kung nakapagbukas ka na ng trading account, nakatanggap ng detalye ng login sa pamamagitan ng email, nakapag-sumite ng dokumento ng pagkakakilanlan para sa pag-validate ng account, at nakapag-deposito; ang susunod na hakbang ay ang pag-download ng trading platform na iyong napili.

Makikita mo ang detalyadong gabay sa aming mga trading platforms dito.

Anong uri ng mga trading accounts ang mayroon kayo?

Mayroon kaming mga sumusunod na uri ng trading account:

MICRO: Ang 1 micro lot ay 1,000 units ng base currency
STANDARD: Ang 1 standard lot ay 100,000 units ng base currency
ZERO: Ang 1 standard lot ay 100,000 units ng base currency

Para sa karagdagang detalye, mangyaring mag-click dito.

Ano ang pinakamaliit na deposito/pag-withdraw para sa trading account?

Ito ay $5 para sa MICRO at STANDARD accounts, habang para sa ZERO accounts ito ay $100.

Mayroon ba kayong cent accounts? Makikita ba ang deposito sa cents?

Mayroon kaming MICRO trading accounts, kung saan ang 1 micro lot (pip) ay katumbas ng 10 USD cents. Kaya lang, ang iyong deposito ay laging makikita sa aktwal na halaga, hal., kung nag-deposito ka ng 100 USD, ang balanse ng iyong trading account ay 100 USD.

Mayroon ba kayong MINI accounts?

Ang XM ay mayroong MICRO at STANDARD accounts. Kaya lang, maaari kang makakuha ng mini lot size trades (10000 units) sa pamamagitan ng pagpapaliit sa iyong standard account volume sa 0.1 (0.1 x 100000 units=10000 units), o sa pamamagitan ng pagpapataas ng iyong trade volume sa 10 micro lots (10 x 1000 units=10000 units) sa micro account type.

Mayroon ba kayong NANO accounts?

Ang XM ay mayroong MICRO at STANDARD accounts ngunit maaari kang makakuha ng nano lot size trades (100 units) sa pamamagitan ng pagpapaliit sa iyong trade volume sa 0.1 sa micro account type (1 micro lot=1000 units).

Mayroon ba kayong Islamic accounts?

Oo, mayroon. Maaari kang mag-request ng swap-free Islamic account sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na idinedetalye dito.

Gaano ko katagal maaaring gamitin ang demo account?

Sa XM ang mga demo accounts ay hindi nage-expire, at maaari mo itong gamitin gaano katagal mo man gustuhin. Ang mga demo accounts na hindi aktibo sa loob ng mahigit 90 araw mula sa huling pag-login ay isasara. Gayunman, maaari kang magbukas ng demo account anumang oras. Mangyaring tandaan na hanggang 5 aktibong demo accounts lang ang pinahihintulutan.

Maaari ko bang palitan ang base currency ng aking account?

Hindi posibleng palitan ang base currency ng iyong account, ngunit maaari kang magbukas ng panibagong account anumang oras at pumili ng bagong base currency.

Maaari ba akong malugi ng pera na higit pa sa aking idineposito?

Hindi ka maaaring malugi ng pera na higit sa iyong idineposito. Kung ang pagbaba ng isang currency ay magre-resulta sa negatibong balanse, magre-reset ito nang awtomatiko sa iyong susunod na deposito.

Paano ko makikita ang charts?

Mangyaring mag-right click sa alinmang symbol sa Market Watch na gusto mong makita at piliin ang Chart Window option. Maaari ka ding mag drag-and-drop ng alinmang symbol sa chart window.

Anong spreads ang ibinibigay ninyo?

Nagbibigay kami ng variable spreads na kasing baba ng 0 pip. Wala kaming re-quotes: ang mga kliyente namin ay direktang binibigyan ng market price na natatanggap ng aming sistema. Maaari ka pang magbasa tungkol sa aming spreads at kundisyon dito.

Nagpapahintulot ba kayo ng news trading?

Oo.

Anong leverage ang ibinibigay ninyo?

Nagbibigay kami ng leverage sa pagitan ng 1:1 – 500:1. Ang leverage ay depende sa equity, kaya mangyaring magbasa pa ng karagdagang detalye dito.

Ano ang margin / margin level / free margin?

Ang margin ay ang kinakailangang halaga sa base currency ng trading account na kailangan para mag-open o magpanatili ng position. Kapag nagti-trade ng forex, ang Kinakailangan/Ginamit na Margin para sa isang position = Bilang ng Lots * Contract size / Leverage. Dito, ang resulta ay kinakalkula muna sa unang currency ng nai-trade na pair, at ililipat sa base currency ng iyong trading account, na siyang ipapakita sa iyong MT4, o alinmang trading platform.

Ang kinakailangang margin para sa gold at silver ay kinakalkula bilang: Lots * Contract Size * Market Price / Leverage. Ang resulta ay nasa USD, na siyang ililipat papuntang base currency ng iyong trading account (kung sakaling hindi ito USD).

Para sa CFDs, ang kinakailangang margin ay Lots * Contract Size * Opening Price * Margin Percentage. Ang resulta ay nasa USD, na siyang ililipat sa base currency ng iyong trading account (kung sakaling hindi ito USD). Ang karagdagang detalye ay makikita dito.

Ang margin level ay kinakalkula sa pamamagitan ng formula na Equity/Margin * 100%.

Ang free margin ay ang iyong equity na binawasan ng margin. Ito ang magagamit na pondo sa pag-open ng bagong positions, o pagpapanatili ng kasalukuyang positions.

Paano ko kakalkulahin ang margin?

Ang formula sa pag-kalkula ng margin para sa forex instruments ay ang sumusunod:

(Lots * contract size / leverage) kung saan ang resulta ay ang pangunahing currency ng symbol.

Para sa STANDARD accounts lahat ng forex instruments ay may contract size na 100 000 units. Para sa MICRO accounts lahat ng forex instruments ay may contract size na 1 000 units.

Halimbawa, kung ang base currency ng iyong trading account ay USD, ang iyong leverage ay 1:500 at ikaw ay nagti-trade ng 1 lot ng EURUSD, ang margin ay kakalkulahin bilang:

(1 * 100 000/500) = 200 Euros

Euro ang pangunahing currency ng symbol na EURUSD, at dahil ang iyong account ay USD, awtomatikong kakalkulahin ng sistema ang 200 EUROS papuntang USD sa aktwal na rate.

Ano ang margin formula para sa gold/silver?

Ang margin formula para sa gold/silver ay lots * contract size * market price/leverage.

Ano ang margin para sa CFDs?

Ang margin formula para sa CFDs ay Lots * Contract Size * Opening Price * Margin Percentage. Maaari kang magbasa ng karagdagang detalye dito.

Paano ko kakalkulahin ang swaps sa currency pairs (sa forex) at para sa gold/silver?

Maaari kang magbasa tungkol sa swap charges dito.

Ang swap formula para sa lahat ng forex instruments, kabilang ng gold at silver, ay ang sumusunod:

lots * long o short positions * point size

Heto ang isang halimbawa para sa EUR/USD:

Ang base currency ng kliyente ay USD
1 lot buy EUR/USD
Long = -3.68
Dahil ito ay isang buy position, kukunin ng sistema ang swap rate para sa long position, na sa kasalukuyan ay -3.68
Point size = contract size ng symbol * minimum price fluctuation
EUR/USD point size = 100 000 * 0.00001 = 1
Kung gagamitin natin ang mga sumusunod na numero sa formula, ito ay 1 * (-3.68) * 1 = -3.68 USD.
Kaya para sa 1 lot buy EUR/USD, kung ang position ay iiwanan magdamagan, ang swap calculation para sa kliyente ay -3.68 USD.

Heto ang isang halimbawa para sa gold:

Ang base currency ng kliyente ay USD
1 lot buy gold
Long = -2.17
Dahil ito ay isang buy position, kukunin ng sistema ang long points, na sa kasalukuyan ay -2.17.
Point size = contract size ng symbol * minimum price fluctuation
Gold point size = 100 * 0.01 = 1
Kung gagamitin natin ang mga sumusunod na numero sa formula, ito ay 1 * (-2.17) * 1 = -2.17 USD.
Kaya para sa 1 lot buy gold, kung ang position ay iiwanan magdamagan, ang swap calculation para sa kliyente ay -2.17 USD.

Pakitandaan na kung ang base currency ng trading account ay nasa EUR (gaya ng mga halimbawa sa itaas), ang swap calculation ay ililipat mula USD papuntang EUR. Ang resulta ng swap calculation ay palaging ang pangalawang currency sa symbol, at ililipat ito ng sistema sa base currency ng trading account.

Ang mga halimbawa na ibinigay ay nagsisilbi lamang bilang gabay at hindi tumutukoy sa mga kasalukuyang charges. Mag-click dito para tingnan ang kasalukuyang swap charges.

Nagpapahintulot ba kayo ng scalping?

Oo.

Ano ang stop loss?

Ang stop loss ay isang order sa pag-close ng isang na-open na position sa presyo na mas maliit ang kita para sa kliyente kaysa sa presyo sa oras ng paglagay ng stop loss. Ang stop loss ay ang limit na ilalagay mo sa iyong order. Kapag ang limit na ito ay nakamit, ang iyong order ay iko-close. Mangyaring tandaan na kailangan mong maglagay ng distansya mula sa kasalukuyang market price kapag naglagay ka ng stop/limit orders. Para sa karagdagang detalye tungkol sa distansya sa points kada currency pair, mangyaring tingnan ang limit at stop levels dito.

Ang paggamit ng stop loss ay mahalaga kung nais mong paliitin ang iyong lugi kapag bumaba ang market. Ang mga stop loss points ay laging inilalagay nang mas mababa sa kasalukuyang ASK price sa BUY, o higit sa kasalukuyang BID price sa SELL.

Maaari mo ring tingnan itong video tutorial para sa mas detalyadong pagpapaliwanag.

Ano ang take profit?

Ang take profit ay isang order para i-close ang isang na-open na position sa presyo na mas kikita ang kliyente kaysa sa presyo sa oras ng paglagay ng take profit. Kapag nakamit ang take profit, ang order ay iko-close. Mangyaring tandaan na kailangan mong maglagay ng distansya mula sa kasalukuyang market price kapag naglagay ka ng stop/limit orders. Para sa karagdagang detalye tungkol sa distansya sa points kada currency pair, mangyaring tingnan ang limit at stop levels dito.

Maaari mo ring tingnan itong video tutorial para sa mas detalyadong pagpapaliwanag.

Ano ang trailing stop?

Ang trailing stop ay isang uri ng stop loss order. Ito ay ang lebel ng porsyento sa baba ng market price para sa LONG positions, o mas mataas sa market price para sa SHORT positions. Mangyaring tandaan na kailangan mong maglagay ng distansya mula sa kasalukuyang market price kapag naglagay ka ng stop/limit orders. Para sa karagdagang detalye tungkol sa distansya sa points kada currency pair, mangyaring tingnan ang limit at stop levels dito.

Maaari mo ring tingnan itong video tutorial para sa mas detalyadong pagpapaliwanag.

Ano ang ibig sabihin ng close by?

Ang close by ay isang function sa MT4 at MT5 platform na nagbibigay-daan para sabay mong ma-close ang dalawang magkasalungat na position sa parehong financial instrument at makatipid ng isang spread. Ang buy order ay kailangang i-close kasama ng sell order, at ang sell order ay kailangang i-close kasama ng isang buy order.

Ano ang ibig sabihin ng maramihang close by?

Ang maramihang close by ay nagbibigay-daan sa sabay na pag-close ng mahigit sa isang magkasalungat na position. Kung sakaling mayroon kang dalawang magkasalungat na orders, maaari mong gamitin ang isa sa mga orders para i-close ang isa pa, para kumita o malugi sa net na pagkakaiba ng halaga.

Saan ko makikita ang trading signals? Paano ko ito maaaring i-download?

Maaari mong makita ang aming trading signals sa ilalim ng menu tab na Trading Signals sa aming Members Area. Para i-download ang trading signals, kailangan mong magkaroon ng validated trading account.

Paano ko kakalkulahin ang 1 pip ng kita o lugi?

Halaga ng Base Currency*Pips= Halaga sa Quote Currency
Halaga ng 1 pip sa EUR/USD= 1 Lot (100 000 €)*0.0001= 10 USD
Halaga ng 1 pip sa USD/CHF= 1 Lot (100 000 $)*0.0001=10 CHF
Halaga ng 1 pip sa EUR/JPY=1 Lot (100 000 €)*0.01= 1000 JPY

Ano ang minimum lot size para sa MICRO at STANDARD accounts?

Ang mga numero sa baba ay kada transaksyon, at maaari kang mag-open ng kahit anong halaga.

STANDARD account:

1 lot = 100,000
Minimum trade volume = 0.01
Maximum trade volume = 50
Trading step = 0.01

MICRO account:

1 Lot = 1,000
Minimum trade volume = 0.1
Maximum trade volume = 100
Trading step = 0.01
Pakitandaan na ang minimum lot size sa pag-trade ng CFDs ay 1 lot.

Pumapayag ba kayo sa hedging?

Oo. Maaari kang mag-hedge ng iyong mga positions sa iyong trading account. Nagaganap ang hedging kapag ikaw ay nag-open ng LONG at SHORT position sa parehong instrument nang sabay. Kapag ikaw ay nag-open ng BUY at SELL position sa parehong instrument at sa parehong lot size, ang margin ay 0.

Kaya lang, kapag ikaw ay nag-open ng BUY at SELL position sa isang magkaparehas na CFD at lot size, ang margin ay kinakailangan lamang nang isang beses at makikita ito dito.

Ang margin ng CFDs, kapag ikaw ay naka-hedge, ay palaging 50%.

Ano ang leverage? Paano ito tumatakbo? Bakit mas kaunting pera ang kinakailangan para sa mas mataas na leverage at mas mataas ba ang risk?

Ang leverage ay ang pag-multiply ng iyong balanse. Pinapahintulutan nitong makapag-open ka ng mas malaking trading positions dahil ang kinakailangang margin ay bababa ayon sa leverage na iyong napili. Kahit na maaari kang kumita nang mas malaki sa leverage, mas malaki din ang maaari mong malugi dahil ang mga positions na iyong io-open ay may mas mataas na volume (lot size).

Halimbawa:
Ang iyong trading capital ay 10,000EUR
Ang piniling leverage ay 100:1
Para sa STANDARD trading account ito ay 100*10,000 = 1,000,000EUR
Sa EURUSD long position na nag-open sa 13,055, position na nag-close sa 13,155
Ang pagkakaiba ay 0.0100 pips kaya naman 1,000,000*0.0100 = 10,000USD ito ang iyong kikitain.

Maaari ko bang palitan ang aking leverage? Kung oo, paano?

Maaari mong palitan ang leverage sa ilalim ng tab na Aking Account, at i-click ang Palitan ang Leverage sa aming Members Area. Agaran itong pamamaraan ng pagpapalit ng leverage.

Paano kalkulahin ang kikitain sa CFDs?

Ang pag-kalkula ng kinita ay ang sumusunod:
(Close Price-Open Price)*Lots*Contract Size
Ang lot size sa bawat CFD ay magkakaiba. Mangyaring magbasa pa ng karagdagang impormasyon dito.

Saan itinatago ang aking mga pondo?

Lahat ng pondo ng mga kliyente ay itinatago sa magkakaibang European accounts sa tier 1 banking institutions.

Mayroon ba kayong slippage?

Ang mga slippage ay halos hindi nangyayari kapag nagti-trade sa amin. Kaya lang, minsan kapag may mga importanteng pang-ekonomiyang balita, dahil sa matirik na pagtaas/pagbaba sa market price, ang iyong order ay maaaring maisagawa sa magkaibang rate kaysa sa iyong ini-request.

Sa XM, ang iyong orders ay tutugunan sa pinakamagandang market price, na maaaring nasa bentahe mo.

Ang karagdagang impormasyon sa XM Execution Policy ay makikita dito.

Maaari ba akong magbukas ng higit sa isang trading account?

Oo, maaari hanggang sa 8 aktibong trading accounts. Mas mainam kung gagamitin mo ang parehong personal na detalye sa iba mong (mga) trading account. Maaari kang mag-rehistro para sa karagdagang account sa Members Area gamit ang 1 click.

Isasara ba ninyo ang aking real account kung wala na itong balanse sa account?

Ang mga accounts na wala nang balanse ay maia-archive matapos ang siyamnapung (90) calendar days.

Mayroon bang dormant fee kapag di ko ginamit ang aking account?

Ang isang account ay ituturing na dormant mula sa panghuling araw ng siyamnapung (90) calendar days na walang aktibidad (trading/pag-withdraw/deposito) sa account. Lahat ng mga natitirang bonus, promosyonal na credits, XMPs ay awtomatikong matatanggal mula sa dormant accounts.

Ang isang dormant account ay sisingilin ng buwanang singil na 5USD (limang United States dollars) o ang buong halaga ng libreng balanse sa account kung ang libreng balanse ay mas bababa sa 5USD (limang United States dollars). Walang sisingilin kung walang libreng balanse sa account.

Iko-close ba ninyo ang aking open positions at naisagawang order kapag ako ay nag-offline?

Ang mga open positions at pending orders ay mananatili sa sistema kahit na ikaw ay mag log off mula sa aming trading platform. Ganito din ang mangyayari sa lahat ng mga orders maliban sa trailing stops. Ang mga trailing stops ay nagiging inaktibo kapag sinara o nag-logout ka mula sa MetaTrader4. Ang mga expert advisors ay nagiging inaktibo din kapag sinara o hindi naka-login sa MetaTrader4.

Hindi ako makapag-login sa aking account pero kailangan kong mag-close ng open position. Ano ang gagawin ko?

Maaari kang mag- close/open ng position o maglagay ng order sa pamamagitan ng telepono 24 oras kada araw. Tawagan lamang ang aming dealing room sa +44 2031501500. Tatanungin ka para sa login ng iyong mga platforms para sa pang-seguridad bago maisagawa ang iyong request.

Ano ang pinakamalaking halaga na maaari kong i-trade online?

Walang limitasyon ang halaga na maaari mong i-trade online, ngunit mayroong pinakamalaking bilang ng 50 standard lots na maaari mong i-trade sa streaming prices para sa STANDARD accounts at 100 micro lots para sa MICRO accounts. Ang pinakamalaking bilang ng positions na open sa anumang oras, at para sa lahat ng uri ng account, ay 200.

Kung nais mong mag-deal ng halagang mas mataas sa maximum lots ng iyong uri ng account, maaari mong hatiin ang iyong trade sa mas maliliit na laki.

Bakit tini-triple ang rollover rates kapag Wednesday?

Kapag naglalagay ng trade sa spot forex market, ang petsa ng aktwal na halaga ay dalawang araw sa hinaharap, halimbawa, ang deal na nasagawa sa Thursday ay para sa halaga sa Monday, ang deal na nasagawa sa Friday ay para sa halaga sa Tuesday. Sa Wednesday, ang rollover amount ay tini-triple para bawiin sa weekend (kung saan hindi sinisingil ang rollover dahil ang pag-trade ay itinitigil sa weekends).

Nagbibigay ba kayo ng live forex tutorials? Paano ako matututo ng pag-trade?

Ang bawat kliyente ng XM ay mayroong Personal Account Manager, na hindi lamang nagbibigay ng buong technical support sa pamamagitan ng live chat, email o sa pamamagitan ng telepono, ngunit maaari ka ding mag-iskedyul ng one-to-one training sessions para matuto sa MetaTrader4.

Nagbibigay din kami sa aming mga kliyente ng video tutorials sa kung paano gamitin ang platforms, at libreng lingguhang webinars at on-site seminars sa iba't-ibang bansa. Huwag mag-atubiling magtanong ng mga karagdagang detalye sa support@xm.co.uk.

Tumatanggap ba kayo ng mga kliyente galing US?

Ayon sa nakarang Dodd-Frank Act na ipinasa ng US Congress, ang CFTC (Commodity Futures Trading Commission) ay hindi na nagpapahintulot para sa US residents na magbukas ng trading account sa amin. Nagpapaumanhin kami para sa abala.

Nagbibigay ba kayo ng VPS service?

Oo. Ang mga kliyenteng magpapanatili ng hindi bababa sa (Equity-Credit) 5000USD, o katumbas na halaga, ay maaaring mag-request ng libreng VPS mula sa Members Area anumang oras, basta magti-trade sila ng hindi bababa sa 5 round turn lots o 500 micro round turn lots kada buwan.

Ang mga kliyente na hindi pasok sa criteria na ito ay maaari pa ring mag-request ng XM MT4 VPS mula sa Members Area para sa buwanang singil na 28USD, na awtomatikong ibabawas mula sa kanilang MT4 account sa unang araw ng bawat calendar month. Para sa karagdagang impormasyon mangyaring bisitahin ang aming website dito.

Ano ang one-click trading? Paano ko ito papaganahin?

Ang one-click trading ay nagpapahintulot sa iyong mag-open ng positions gamit ang isang click. Kaya lang kapag gusto mong mag-close ng position, hindi ito gagana at kailangan mo itong i-close nang mano-mano.

Para paganahin ang one-click trading, sa kaliwang bahagi ng iyong chart makakakita ka ng arrow. Sa pag-click ng arrow na iyon papaganahin mo ang one-click trading at may window na lalabas sa kaliwang bahagi ng chart.

Maaari ko bang palitan ang uri ng aking account?

Hindi maaari. Mangyaring mag-rehistro para sa karagdagang account sa Members Area.

Mayroon ba kayong binary option trading?

Wala.

Mga Pag-deposit/Pag-withdraw

Ipakita lahat|Itago lahat

Ano ang mga pagpipilian ko para makapag-deposito/makapag-withdraw ng pera?

Mayroon kaming iba't-ibang pagpipilian para makapag-deposito/makapag-withdraw: sa pamamagitan ng magkakaibang credit cards, magkakaibang electronic na pagbabayad, bank wire transfer, lokal na bank transfer, at iba pang paraan para makapagbayad.

Sa sandaling magbukas ka ng trading account, maaari kang mag-login sa aming Members Area, pumili ng paraan ng pagbabayad mula sa pahina ng Mga Deposito/Mga Pag-withdraw, at sundan ang mga hakbang na nakalagay.

Aling mga currency ang maaari kong i-deposito sa aking trading account?

Maaari kang mag-deposito ng pera sa anumang currency at awtomatiko itong ililipat sa base currency ng iyong account, sa XM prevailing inter-bank price.

Ano ang pinakamababa at pinakamataas na halaga na maari kong i-deposito/i-withdraw?

Ang pinakamababang halaga na maaring i-deposito/i-withdraw ay 5 USD (o katumbas na halaga) para sa magkakaibang paraan ng pagbabayad na suportado sa lahat ng bansa. Kaya lang, magbabago ang halaga ayon sa paraan ng pagbabayad na iyong pipiliin at estado ng pag-validate ng iyong trading account. Mababasa mo ang mga detalye sa proseso ng pag-deposito at pag-withdraw sa Members Area.

Ano ang withdrawal priority procedure?

Para protektahan lahat ng parte laban sa pandaraya at paliitin ang probabilidad ng money laundering at/o terrorist financing, ipo-proseso lamang ng XM ang pag-withdraw/refunds pabalik sa orihinal na pinanggalingan ng orihinal na deposito ayon sa Withdrawal Priority Procedure sa ibaba:

  • Pag-withdraw gamit ang Credit/debit card. Ang mga isinumiteng kahilingan para mag-withdraw, anuman ang napiling paraan ng pag-withdraw, ay ipo-proseso gamit sa paraang ito hanggang sa kabuuang halaga na idineposito gamit ang paraang ito.
  • Withdrawal sa pamamagitan ng E-wallet. Ang mga E-wallet refund/withdrawals ay ipoproseso sa sandaling ang lahat ng Credit/Debit card na deposito ay ganap nang na-refund.
  • Iba pang mga Pamamaraan. Lahat ng iba pang mga pamamaraan tulad ng bank wire withdrawals ay dapat gamitin sa sandaling ang mga deposito na ginawa gamit ang mga pamamaraan na nabanggit sa itaas ay naisagawa na.

Lahat ng withdrawal requests ay makukumpleto sa loob ng 24 oras; gayunpaman lahat ng withdrawal requests na isinumite ay kaagad-agad na makikita sa trading account ng kliyente bilang nakabinbing withdrawal. Kapag pumili ang kliyente ng maling paraan ng pag-withdraw, ang withdrawal request ng kliyente ay ipoproseso ayon sa Withdrawal Priority Procedure na inilarawan sa itaas. Ang lahat ng mga withdrawal request ng kliyente ay ipoproseso sa uri ng pera kung saan ang deposito ay orihinal na ginawa. Kung ang pera na idineposito ay iba mula sa pera na nai-transfer, ang halaga ng transfer ay iko-convert ng XM sa uri ng pera na nai-transfer sa umiiral na exchange rate.

Kung ang halaga ng aking pag-withdraw ay lagpas sa halaga na aking idineposito sa pamamagitan ng credit/debit card, paano ako makakapag-withdraw?

Dahil ililipat lamang namin ang parehong halaga ng iyong idineposito pabalik sa iyong card, ang mga kinita ay maaaring ilipat sa iyong bank account sa pamamagitan ng wire transfer. Kung nagsagawa ka din ng mga deposito sa pamamagitan ng E-wallet, maaari ka ding mag-withdraw ng kita gamit ang parehong E-wallet.

Maaari ba akong mag-withdraw ng pera kahit kailan ko gustuhin?

Para mag-withdraw ng pondo, kailangang ma-validate ang iyong trading account. Nangangahulugan itong kailangan mo munang mag-upload ng mga dokumento sa aming Members Area: Katunayan ng Pagkakakilanlan (ID, passport, driver's license) at Katunayan ng Tinitirahan (utility bill, telephone/Internet/TV bill o bank statement), na naglalaman ng iyong address at iyong pangalan at hindi lalagpas ng 3 buwan.

Sa sandaling makatanggap ka ng kumpirmasyon mula sa aming Validation Department na nagsasabing na-validate na ang iyong account, maaari ka nang mag-withdraw sa pamamagitan ng pag-login sa Members Area, pag-click sa Pag-withdraw na tab, at pagpadala sa amin ng request para mag-withdraw. Maaari lamang ipadala ang pera pabalik sa orihinal na pinagmulan ng deposito. Lahat ng pag-withdraw ay ipinu-proseso ng aming Back Office sa loob ng 24 oras tuwing araw ng negosyo.

Maaari ba akong mag-withdraw ng pera kung mayroong akong open position?

Oo, maaari, kung ang iyong free margin ay lagpas sa halagang iwi-withdraw, kabilang na ang lahat ng payment charges. Ang free margin ay kinakalkula bilang equity na binawasan ng kinakailangan margin (kailangan para magpanatili ng open position). Kung wala kang sapat na free margin sa iyong trading account, hindi tatanggapin ng sistema ang iyong request at kailangan mong babaan ang halaga. Mangyaring tandaan na ang anumang credit bonus sa iyong account ay itinuturing bilang parte ng iyong equity at babawasan bilang resulta ng anumang pag-withdraw.

Gaano katagal bago makarating sa aking bank account ang pondo?

Depende ito sa bansa na papadalhan ng pera. Ang standard na bank wire sa EU ay tumatagal ng 3 araw ng trabaho. Ang bank wires sa ibang bansa ay maaaring tumagal ng 5 araw ng trabaho.

Gaano katagal bago ko matanggap ang aking pera matapos akong magsagawa ng withdrawal request?

Ang iyong request ng withdrawal ay isinasagawa ng aming back office sa loob ng 24 oras. Kung gagamit ng XM Card o anumang e-wallet, matatanggap mo ang pera sa parehong araw, at kung sa pamamagitan ng bank wire o credit/debit card ay kadalasan inaabot ng 2 - 5 na araw ng pagtatrabaho.

Gaano katagal umaabot ang pag-deposito/pag-withdraw sa pamamagitan ng credit card, e-wallet o iba pang paraan ng pagbabayad?

Lahat ng mga deposito ay agaran, maliban na lang sa bank wire transfer. Lahat ng pag-withdraw ay ipino-proseso ng aming back office 24 oras sa araw ng negosyo.

Mayroon bang singil sa pag-deposito/pag-withdraw?

Hindi kami sumisingil ng kahit ano sa pag-deposito/pag-withdraw. Halimbawa, kung nag-deposito ka ng USD 100 sa pamamagitan ng Moneybookers at nag-witndraw ng USD 100, makikita mo ang buong halaga na USD 100 sa iyong Moneybookers account dahil sakop namin lahat ng mga transaction fees.

Nalalapat din ito para sa lahat ng pag-deposito gamit ang credit/debit card. Para sa mga pag-deposito/pag-withdraw gamit ang international bank wire transfer, sasagutin ng XM lahat ng mga singil na ipinapataw ng aming bangko, maliban na lang sa mga deposito na mas mababa sa 200 USD (o katumbas na halaga).

Kapag nag-deposito ako ng pondo sa pamamagitan ng Moneybookers, maaari ba akong mag-withdraw ng pera sa aking credit card?

Para protektahan lahat ng mga parte laban sa pandaraya at para sa pag-iwas at palaban sa money laundering at/o terrorist financing, patakaran ng aming kumpanya na ibalik ang pondo ng kliyente sa pinagmulan ng pondo, at dahil dito ang mga pag-withdraw na ito ay ibabalik sa iyong Moneybookers account. Nalalapat ito sa lahat ng pamamaraan ng pag-withdraw, at pag-withdraw ay kailangang bumalik sa pinagmulan ng deposito.

Maaari ba akong maglipat ng pondo mula sa aking trading account papunta sa trading account ng ibang kliyente?

Hindi ito possible. Hindi pinapahintulutan ang paglipat ng pondo sa pagitan ng magkaibang kliyente o anumang third party.

Maaari ba akong mag-deposito/mag-withdraw mula sa account ng aking kaibigan/kamag-anak?

Dahil isa kaming reguladong kumpanya, hindi kami tumatanggap ng pag-deposito/pag-withdraw na isinagawa ng third parties. Maaari ka lamang mag-deposito mula sa iyong account, at ang pag-withdraw ay kailangang bumalik sa pinanggalingan ng deposito.

Posible bang maglipat ng pera mula sa isang trading account papunta sa isa pang trading account?

Oo, posible. Maaari kang mag-request ng internal transfer sa pagitan ng dalawang trading accounts, kung ang parehong accounts ay binuksan sa ilalim ng iyong pangalan at ang parehong trading accounts ay na-validate. Kung magkaiba ang base currency, ang halaga ay iko-convert. Ang internal transfer ay maaaring i-request sa Members Area, at agarang pino-proseso.

Kung gumamit ako ng higit sa isang paraan sa pag-deposito, paano ako makakapag-withdraw?

Kung ang isa sa iyong ginamit na pamamaraan sa pag-withdraw ay credit/debit card, kailangan mong mag-request ng pag-withdraw hanggang sa halaga ng deposito, tulad ng mga nakaraang pamamaraan ng pag-withdraw. Kung ang halagang idineposito sa pamamagitan ng credit/debit card ay buong naibalik sa pinagmulan nito, dito ka lang maaaring pumili ng panibagong paraan sa pag-withdraw, ayon sa iba mo pang mga pag-deposito.

May mga karagdagan bang bayarin at kumisyon?

Sa XM hindi kami sumisingil ng alinmang bayarin o kumisyon. Sinasakop namin lahat ng transaction fees (sa bank wire transfer sa mga halaga na higit sa 200 USD).

Mga Trading Platform

Ipakita lahat|Itago lahat

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng demo at real account?

Habang lahat ng mga katangian at functions ng real account ay makikita din sa demo account, kailangan mong tandaan na hindi matutumbasan ng simulation ang tunay na kundisyon sa market. Isang mahalagang pagkakaiba ay ang halaga na sinasagawa sa pamamagitan ng simulation ay hindi nakakaapekto sa market; habang ang tunay na trading volumes ay mayroong epekto sa market, lalo na kung malaki ang deal size. Ang bilis ng pagsasagawa ng orders ay parehas lamang sa real trading accounts at XM demo accounts.

Higit pa, ang mga users ay mayroong magkakaibang psychological profile depende sa kung nagti-trade sila ng demo o real accounts. Ang aspetong ito ay nakakaapekto sa pagsusuri ng demo account. Pinapayuhan ka naming maging maingat at iwasan ang pagkapanatag sa anumang konklusyon na nakuha mo sa paggamit ng demo account. Maaari ka pang magbasa ng karagdagang detalye tungkol sa mga demo accounts dito.

Paano ko titingnan ang kasaysayan ng aking pag-trade?

Buksan ang terminal window sa pamamagitan ng pagpindot ng Ctrl+T sa iyong keyboard, piliin ang Kasaysayan ng Account na tab. Mag-right click para buksan ang context menu, na magpapahintulot sa iyong i-save ang iyong kasaysayan sa pag-trade bilang .html file na maaari mong tingnan kapag nag-logout ka sa trading platform.

Maaari ba akong gumamit ng robot/auto traders o expert advisors?

Oo, maaari. Lahat ng aming trading platforms ay sumusuporta sa paggamit ng EAs.

Paano ako makakadagdag ng expert advisor?

Para makapagdagdag ng Expert Advisor (EA), kailangan mo munang buksan ang MT4 Client Terminal, i-click ang File sa itaas ng menu, at i-click ang Buksan ang Folder ng Datos mula dito. Sa Buksan ang Folder ng Datos, i-click ang MQL4 at Experts. Ang folder ng Experts ay kung saan ka makakapagdagdag ng Expert Advisors (EAs). I-paste ang .mq4 o .ex4 EA na file sa folder ng Experts. Kapag nagawa na ito, i-restart ang MT4 sa pamamagitan ng pagsara at pagbukas nito.

Ano ang gagawin ko kung ang expert advisor ay hindi nag-trade?

Unang-una tingnan kung pinapahintulutan ang pag-trade sa pamamagitan ng pagpunta sa Tools -> Options -> Experts tab -> Pahintulutan ang real trading. Siguruhin na naka-press ang expert advisor button sa main tool bar. Dapat makakita ka ng smiley face sa kanang bahagi ng iyong chart na nagpapakita na na-activate mo nang tama ang iyong EA. Kung ayos na ang lahat ngunit hindi pa rin nagti-trade ang EA, tingnan ang iyong log files sa pamamagitan ng Experts tab sa Terminal window (dapat makikita mo kung anong error ang nagaganap). Maaari ka ring mag-email sa amin para sa karagdagang tulong sa support@xm.co.uk.

Bakit hindi gumagana ang aking EA? Nakakakuha ang ng error message na nagsasabing "Trade disabled error 133"?

Hinihiwalay namin ang mga standard trades mula sa micro trades (1volume sa standard account = 100 000 units, 1volume sa micro account = 1000 units). Ito ang rason kung bakit kailangan mong hanapin sa iyong market watch window ang mga symbols na may Micro extension (hal. EUR/USD micro kaysa EUR/USD), mag right-click at piliin ang Ipakita lahat. Ang iba pang naka-gray na symbols ay ginagamit ng platform pala kalkulahin ang presyon ng oil. Mag right click sa mga "naka-gray" na symbols, at piliin ang Itago na option para maiwasan ang pagkakalito.

Nagbibigay ba kayo ng alinmang uri ng online support/tutorial sa kung paano gamitin ang MT4 platform?

Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong Personal Account Manager sa pamamagitan ng live chat, email o telepono para mag-iskedyul ng presentasyon sa MT4. Maaari mo ring panoorin ang aming Video Tutorials para sa gabay. Handa kaming tulungan ka sa one-to-one na detalyadong eksplanasyon anumang oras ang mainam para sa iyo.

Nakakakita lamang ako ng 8 pairs sa aking MT4. Paano ko makikita ang iba pa?

Mag-login sa iyong MT4 platform -> Market watch window -> right click -> Ipakita lahat -> scroll down at makikita mo lahat ng mga instruments na available sa pag-trade.

Maaari ko bang palitan ang time zone sa MetaTrader?

Hindi maaari. Ang time zone ng aming trading servers ay palaging GMT +2 winter time at GMT +3 summer time. Ang GMT time setting ay umiiwas sa pagkakaroon ng maliliit na candlesticks sa Sunday kaya naman pinahihintulutan ang pagpapatakbo ng technical analysis at backtesting para mas madali.

Mayroon akong MICRO account at hindi ako makapaglagay ng order. Bakit?

Hinihiwalay namin ang mga standard trades mula sa micro trades (1volume sa standard account = 100 000 units, 1volume sa micro account = 1000 units). Ito ang rason kung bakit kailangan mong hanapin sa iyong Market Watch window ang mga symbols na may "micro", extension (hal. EUR/USD micro kaysa EUR/USD), mag right click at piliin ang Ipakita lahat. Ang iba pang "naka-gray" na symbols ay ginagamit ng platform pala kalkulahin ang presyon ng oil. Mag right click sa mga "naka-gray" na symbols, at piliin ang Itago na option para maiwasan ang pagkakalito.

Hindi ko makita ang opening/closing price sa aking chart.

Ang bawat buy order ay bukas sa ASK price at ikino-close sa BID price, at ang bawat sell order ay bukas sa BID price at ikino-close sa ASK price. Maaari mo lamang makita ang BID line sa iyong chart. Para makita ang ASK line, mag right click sa partikular na chart -> Properties -> Common-> at i-click ang Ipakita ang ASK line.

Mayroon ba kayong trading platforms para sa MAC?

Mayroon. Ang MT4 trading platform ay available din para sa MAC, at maaaring i-download dito.

Paano ako makakapunta sa MT5 platform?

Para magsimulang mag-trade sa MT5 platform, kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account. Hindi maaaring mag-trade sa MT5 platform gamit ang iyong kasalukuyang XM MT4 account. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Maaari ko bang gamitin ang aking MT4 account ID para makapunta sa MT5?

Hindi maaari. Kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Paano magiging validated ang aking MT5 account?

Kung isa ka nang kliyente ng XM na may MT4 account, maaari kang magbukas ng karagdagang MT5 account mula sa Members Area nang hindi na kailangan pang mag-sumite ng mga dokumento. Gayunman, kung isa kang bagong kliyente kailangan mong magbigay sa amin ng mga kinakailangang dokumento para sa pag-validate (i.e. Patunay ng Pagkakakilanlan at Patunay ng Tinitirahan).

Maaari ba akong mag-trade ng stock CFDs gamit ang kasalukuyang MT4 trading account?

Hindi maaari. Kailangan mong magkaroon ng XM MT5 trading account para mag-trade ng stock CFDs. Para magbukas ng XM MT5 account mag-click dito.

Anong mga instrument ang maaari kong i-trade sa MT5?

Sa MT5 platform maaari kang mag-trade ng lahat ng instruments na mayroon ang XM kabilang ang Stock CFDs, Stock Indices CFDs, Forex, CFDs sa Precious Metals at CFDs sa Energies

Tungkol sa Kumpanya

Ipakita lahat|Itago lahat

Pinapangasiwaan ba kayo ng alinmang governmental/regulatory authority?

Ang aming kumpanya ay awtorisado at regulado ng Financial Conduct Authority sa ilalim ng lisensya numero 705428.

Saan kayo naka-base?

Ang aming kumpanya ay base sa Siyudad ng London, United Kingdom. Ang buong address at contact details ng aming kumpanya ay makikita dito.

Mga Bagong Katangian ng XM

Ipakita lahat|Itago lahat

Ano ang bago sa XM?

Bilang makapangyarihang bagong brand image ng Trading Point, ang XM ay nagsasama ng pinakamahusay at sustainable na katangian ng kilalang broker, at mga bagong serbisyo/produkto para maging isa itong natatanging brand identity.

ANG NATATANGING PANG-EDUKASYONAL NA SEKSYON ay nagbibigay ng

  • libreng e-learning forex tutorials para sa mas malalim na pagkakaintindi ng forex trading sa pamamagitan ng iba't-ibang mga paksa mula sa mga pinaka-simple hanggang sa mas kumplikadong technical analysis
  • komprehensibong pang-pinansyal at forex knowledge base
  • libreng video tutorials sa paggamit ng MetaTrader4 para tulungan ang mga traders sa paggamit ng lahat ng trading platform

LIBRENG INTERAKTIBONG ONLINE WEBINARS

  • sinasalubong ang mga kliyente at gumagamit ng website ng malawak na paksa tungkol sa pag-invest at online trading
  • hinahawakan ng mga kilalang pang-pinansyal na propesyonal
  • mayroong bagong paksa kada linggo
  • REHISTRASYON NG KLIYENTE sa mahigit 18 lengwahe sa loob ng 5 minuto
  • Segurong MEMBERS AREA na magagamit din sa mahigit 18 lengwahe
  • LEVERAGE HANGGANG 500:1 sa 55+ CURRENCY PAIRS
  • Pagpapakilala sa karagdagang pagpondo/pag-withdraw sa account - 100% awtomatiko at agarang pino-proseso 24/7
  • PERSONAL ACCOUNT MANAGERS para 24/5 customer support sa mahigit 18 lengwahe sa pamamagitan ng live chat/e-mail/phone/call-back

Sinusuportahang Katangian ng XM

Ipakita lahat|Itago lahat

Ano ang mga sinusuportahang katangian ng XM?

Mayroong pag-trade ng FOREX, PRECIOUS METALS (kabilang nag GOLD, SILVER), ENERGIES (kabilang ang CRUDE OIL), at EQUITY INDICES

  • sa DEPOSIT NA KASING BABA ng USD 5
  • na may pagkakataong MAGBUKAS NG MAHIGIT 1 ACCOUNT
  • may NEGATIVE BALANCE protection
  • WALANG RE-QUOTES, WALANG REJECTION NG ORDERS
  • MALIIT NA SPREADS na kasing baba ng 0 PIP
  • FRACTIONAL PIP PRICING
  • IBA'T-IBANG TRADING PLATFORMS na maa-access mula sa 1 account para sa mabilis na pag-trade
  • REAL-TIME NA MARKET EXECUTION
  • PAGPONDO NG ACCOUNT 100% awtomatiko at agarang ipino-proseso 24/7
  • MABILIS NA PAG-WITHDRAW nang WALANG KARAGDAGANG SINGIL
  • LAHAT NG TRANSFER FEES SAKOP NG XM
  • Patuloy na promosyon sa bonus
  • LIBRENG UNLIMITED DEMO ACCOUNTS na may USD 100,000 virtual funds at buong access sa IBA'T-IBANG TRADING PLATFORMS
  • Propesyonal na TRADING SIGNALS dalawang beses kada araw

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.