Forex at CFD Trading Seminar Isinagawa sa Debrecen

Nakapaskel Mayo 29, 2017 ng 9:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Dalawang linggo lamang matapos magsagawa ng libreng seminar sa Budapest, nag-host na naman ang XM ng panibagong pang-edukasyonal na event tungkol sa mga teknik sa forex at CFD trading, na isinagawa sa Debrecen, Hungary.

Ang tagapagsalita sa event at propesyonal na forex instruktor na si Attila Szoboszlai, ay nagpakilala sa mga dumalo ng iba’t-ibang pamamaraan sa kung paano magsagawa ng sistematikong pag-trade sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa kahalagahan ng trading psychology at regular na risk management.

Ang kurikulum ng seminar ay mayroong mahahalagang impormasyon kaugnay sa day trading at teknik sa swing trading, gaya ng risk price levels, time frames, at Dow theory. Ipinaliwanag din nang mabuti ang paggamit ng technical analysis tools, partikular na sa pag-trade ng forex gamit ang MT4 platform, pati na ang pag-trade ng iba’t-ibang assets (kabilang ang stocks) sa MT5.

Ang seminar ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan lahat ng dumalo ay nakasali, at ang maswerteng nanalo ay magkakaroon ng tatlong-araw na bakasyon sa Cyprus, kung saan lahat ng flight at accommodation ay sasagutin ng XM.

Nanalo sa XM Lucky Draw

Premyo MT4/MT5 Account ID
Unang Premyo: 3-araw na bakasyon sa Cyprus 17024026

Nais naming pasalamatan lahat ng sumali sa aming seminar sa Debrecen. Sa ibaba makikita ang mga litratong kinuha noong event.