Nagsagawa sa Budapest ng Forex at CFD Trading Seminar

Nakapaskel Nobyembre 27, 2017 ng 11:32 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos mag-host ng libreng forex at CFD trading seminar sa Hungary, nagsagawa na naman ang XM ng panibagong pang-edukasyonal na event sa kapital ng Hungary, ang Budapest, na ipinresenta ng forex instruktor na si Attila Szoboszlai.

Sinalubong ng mga kinatawan ng XM, kasabay ni Attila Szoboszlai, ang mga dumalo sa Larus Event Center, Budapest, kung saan ang mga trader na nagsasalita ng Hungarian ay nagkaroon ng pagkakataong dumalo sa seminar nang libre.

Sa kanyang presentasyon, tumuon si Attila Szoboszlai sa kahalagahan ng pagkakaroon ng indibidwal na sistema sa pag-trade na makakatulong sa mga online investors na magpanatili ng sistematikong pagtugon sa pag-trade. Ipinaliwanag din niya kung bakit dapat ituring ang online trading bilang isang proseso na higit pa sa pagkakaintindi sa global markets at trading tools, ay nangangailangan ng patuloy na pagapapabuti sa sariling kakayanan.

Ang mga dumalo sa seminar ay nakatanggap ng mga praktikal na gabay sa maraming aspeto ng online trading, kabilang na ang paggalaw sa presyo at price action; support-resistance levels; pag-trade sa iba’t-ibang time frames; ang Dow theory; at higit sa lahat ang paggamit ng Fibonacci. Isang mahalagang parte ng seminar ang dedikado sa papel ng trading psychology sa online investing, at ang mga teknik sa risk management na inilalapat sa day trading at swing trading. Ang mga dumalo sa event ay nagkaroon din ng oportunidad para makita kung paano magagamit ang mga teknik na ito sa pag-trade ng forex sa MT4 platform at pag-trade ng CFDs sa stocks sa MT5 platform ng XM.

Ang seminar ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan ang mga nanalo ay ini-raffle sa mismong event at binabati namin muli sila sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: 2-araw na wellness stay sa Bambara Hotel Premium, Hungary 3143629
Premyo 2: Isang ASUS TFB T101HA-GR030T tablet 2183342

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa aming libreng seminar, at nais din naming makilala ang mga online investors sa mga nalalapit na on-site events sa Budapest sa susunod na taon.