Forex Seminar Tungkol sa Candlestick Chart Trading Isinagawa sa Amman

Nakapaskel Abril 16, 2019 ng 10:14 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Abril 13, ikinatuwa ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang pagbalik sa kapital ng Jordan, sa Amman, para salubungin ang mga kliyente ng XM sa isang forex seminar tungkol sa mga pamamaraan sa candlestick chart trading.

Isinagawa sa Grand Millennium Hotel at pinamunuan ng Senior Market Strategist ng Tradepedia na si Habib Akiki, ang seminar ay may libreng rehistrasyon para sa mga nag-i-invest online na pursigidong maging mas mahusay sa paggamit ng candlestick charts kapag nagti-trade ng forex at CFD.

Sa kanyang presentasyon, sinuri ni Habib Akiki lahat ng mahahalagang aspeto na kailangang alamin ng mga nagti-trade online kapag pumipili ng pinakamahusay na tool para tukuyin ang lakas ng trend, kasabay ng espesyal na tuon sa candlestick charting. Kaya naman ang mga bisita namin ay nagkaroon ng pagkakataong matuto ng mahahalagang detalye tungkol sa candlestick reversal patterns at maintindihan kung paano ito maaring gamitin para makapagsimula ng signals sa pagpasok o paglabas ng market.

Bukod sa praktikal na paggamit ng candlesticks, ipinakilala sa mga pumunta sa seminar ang kahalagahan ng iba pang technical analysis tools kapag nag-i-invest online, gaya ng Avramis River indicator, na lubhang magagamit ng mga nagti-trade dahil nakakatulong ito sa pagtukoy ng mga pattern sa range ng market at mga pinansyal na instrument na malakas mag-trend.

Noong natapos ang seminar, inanunsyo ang mga nanalo sa raffle na XM Lucky Draw, kung saan muli namin silang binabati sa kanilang mga napanalunan.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 42023518
Premyo 2: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 2713508
Premyo 3: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 33037257
Premyo 4: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 38151032
Premyo 5: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 2771372

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa aming seminar sa Amman. Para sa lahat ng mga hindi nakapunta dito pero gustong makapunta sa iba pang mga seminar ng XM, natutuwa kaming ibalita ang aming mga nalalapit na seminar na gaganapin sa Cairo at Alexandria.

Para mag-rehistro at makasali sa mga forex trading seminar na gaganapin sa Egypt ngayong Abril, mangyaring mag-click dito.