Isinagawa ang Forex Seminar sa Dalawang Siyudad sa Pilipinas

Nakapaskel Oktubre 17, 2017 ng 7:41 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang matagumpay na forex trading seminar sa Manila ngayong tag-init, bumalik ang XM sa Pilipinas, ngayon naman sa Davao at Cebu, para makapagbigay ng mahusay na edukasyon sa mga online investors.

Noong ika-30 ng September, ikinagalak naming salubungin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa Seda Abrezza Hotel sa Davao, at matapos ang ilang linggo sa Marco Polo Plaza Hotel sa Cebu. Sa bawat lokasyon, nakuha ng propesyonal na instruktor na si Jonathan Lou Reyes ang atensyon ng mga dumalo gamit ang presentasyon sa kung paano tumatakbo ang global forex markets at kung paano makakuha ng sapat na kaalaman ang mga baguhan sa online investing.

Idiniin ni Jonathan Lou Reyes ang kahalagahan ng konsepto ng market trending at kung paano mag-trade sa iba’t-ibang time frames sa magkakaibang instruments. Nagturo din siya kung paano magbasa ng charts at magbigay-kahulugan sa trading signals para malaman kung kailan papasok o lalabas sa market. Sumunod nito, nagpakita din ang instruktor ng iba’t-ibang eksena sa pag-trade para maintindihan ang mga teknik sa risk management, na siyang mahalaga sa online investing.

Naniniwala kami na ang mga dumalo sa seminar sa Davao at Cebu ay nakatanggap ng mga magagamit na impormasyon sa kung paano gamitin ang teorya sa tunay na buhay. Nais din naming ipaalam na may nalalapit kaming seminar sa Pilipinas na isasagawa sa Manila sa ika-21 ng October 2017.

Dito mababasa pa ang karagdagang detalye tungkol sa seminar sa Manila at makapag-rehistro na agad.