Mga Forex Seminar Matagumpay na Idinaos sa Tatlong Lungsod sa Pilipinas

Nakapaskel Marso 23, 2020 ng 11:25 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Pebrero 1 at 29, nagsagawa ang XM ng mga libreng edukasyonal na forex seminar sa Manila, Palawan at General Santos City, na may layuning turuan ang mga nag-i-invest online kung paano mapabuti ang kanilang mga pamamaraan sa pagti-trade para sa mas matagumpay na resulta kapag nag-i-invest.

Ang seminar na pinamagatang Pinagsamang Avramis River at Fundamental Analysis ay ipinresenta ng instruktor sa forex na si Jonathan Lou Reyes sa Manila noong Pebrero 1, na sinundan sa Palawan noong Pebrero 15 at sa General Santos City noong Pebrero 29.

Dahil ang potensyal ng mga nag-i-invest online para maabot ang kanilang pinakamahusay na makakaya ay nakasalalay nang husto sa pag-unawa sa mga pandaigdigang market at kakayahang mapabuti ang mga importanteng pamamaraan at istratehiya kapag nagti-trade, tumuon ang seminar sa mga pangunahing aspetong ito.

Sa kanyang presentasyon, binigyang-diin ni Jonathan Lou Reyes ang kahalagahan ng technical indicators sa pagsunod sa trend gaya ng Avramis River, na nakakatulong sa mga nag-i-invest na makita at mabigyang-kahulugan nang tama ang mga datos sa market, madaling matukoy ang ranging markets, determinahin ang mga lebel ng support-resistance at malaman ang mga trend na may mataas na kalidad. Higit pa dito, may sapat na oras na inilaan sa paggamit ng Avramis River kasabay ng mga pamamaraan sa fundamental analysis, na may espesyal na tuon sa mga pangunahing macroeconomic indicators.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kliyente sa pagpunta sa aming mga seminar sa bawat lungsod.

Hanggang sa susunod naming pagbalik sa Pilipinas, iniimbitahan muna namin lahat ng mga Pilipinong nagti-trade sa mga libre naming forex webinar, kung saan may malawak na hanay ng mga paksa ang maaring matutunan. Para libreng mag-rehistro at makapunta, mangyaring mag-click dito.