Mga Libreng Forex Seminar sa Pilipinas

Mga Libreng Forex Trading Seminar sa Pilipinas

Wika
English, Filipino

Mag-reserba ng upuan

Pinagsamang Avramis River at Fundamental Analysis

Iniimbitahan namin ang mga nag-i-invest online sa aming seminar na idinisenyo para pag-aralan ang mga pinakamahahalagang detalye tungkol sa paggamit ng Avramis River indicator sa pag-analisa ng lakas at kalidad ng mga trend sa market, na sinama kasabay ng mga pamamaraan sa fundamental analysis.

Para sa mga nagti-trade online, napakahalaga ang pagsusuri ng trend anuman ang piliin nilang i-invest na pinansyal na instrument. Kaya naman ipapakilala namin sa mga bisita ang paggamit ng isang mahalagang technical analysis indicator na idinisenyo ng Tradepedia, ang Avramis River, na makakatulong sa mga nagti-trade para makuha at mabigyang-kahulugan nang tama ang impormasyon sa market. Bukod pa dito, sa pamamagitan ng paggamit ng Avramis River, madaling matutukoy ng mga nag-i-invest online ang ranging markets, pati na ang mga lebel ng support-resistance at mga trend na may mataas na kalidad.

Sa mismong seminar, maglalaan din kami ng oras para talakayin ang paggamit ng candlestick reversal patterns at ipaliwanag kung paano nito mati-trigger ang mga entry o exit signal. Maliban sa mga teoryang ipapaliwanag, ipapakita din namin ang paggamit ng pinagsamang Avramis River at fundamental analysis nang may espesyal na tuon sa limang pangunahing macroeconomic indicators.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.