Isinagawa sa Cairo ang isang Forex Swing Trading Seminar

Nakapaskel Oktubre 3, 2017 ng 7:09 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-30 ng September narating ng XM ang unang pakay nito sa serye ng mga seminar na isasagawa sa mga bansa sa MENA ngayong taglagas: ang Cairo, Egypt.

Gaya ng dati, natutuwa naming makilala ang mga traders na nagsasalita ng Arabic na dumalo sa seminar, kung saan ang panghunahing paksa ay ang mga teknik sa Avramis swing trading.

Isinagawa sa Ramses Hilton Hotel, ang event ay idinisenyo para makapagbigay ng kaalaman tungkol sa mga teknik sa technical analysis na magagamit sa swing trading, at may inilaan ding atensyon sa paggamit ng mga automated trading tools na ginawa ng Tradepedia trading academy.

Sinimulan ng seminar presenter na si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia, ang kanyang presentasyon gamit ang pagpapakilala sa swing trading at ipinaliwanag niya ang mga pangunahing katangian nitong estilo sa pag-trade. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tamang paggamit ng technical analysis, na nakakatulong sa mga traders na malaman ang mas malalaking price movements, panghawakan ang position sizing nang mas tama, at babaan ang risk.

Sa seminar, may oras na inilaan sa mga pangunahing aspeto ng swing trading, na tumulong sa mga baguhang trader na magkaroon ng malalim na pagkakaintindi sa kung paano mag-trade ng forex at iba pang financial instruments gamit ang mga technical analysis tools.

Ang event ay nagtapos sa XM Lucky Draw, na sinalihan ng lahat ng mga dumalo at ini-raffle din ito sa mismong event. Nais namin muling batiin ang mga nanalo sa kanilang premyo na galing sa XM.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 3172393
Premyo 2: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 24003389
Premyo 3: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 13076952
Premyo 4: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 32026270
Premyo 5: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 11170515

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa pagdalo sa aming libreng forex trading seminar, at nais na naming makilala ang mga online investors na handa nang matuto tungkol sa mga teknik sa swing trading sa mga susunod na forex seminars sa MENA region ngayong taglagas.

Tingnan ang iskedyul ng aming mga nalalapit na seminar at i-book na ang iyong puwesto para sa mga lokasyon at petsa na nababagay para sa iyo.