Forex Trading Seminar Matagumpay na Isinagawa sa London

Nakapaskel Hulyo 7, 2017 ng 7:02 am GMT. Magbasa Pa Balita

Dahil dedikado kami sa pagbibigay sa mga online investors ng mas tama at mas malalim na pagkakaintindi sa mga teknik sa swing trading, ang pinakabagong seminar na ini-host ng XM sa London, UK, noong ika-1 ng July ay nakapagbigay ng libreng pagdalo sa lahat ng mga nais pabutihin ang kanilang pag-trade.

Ang event ay isinagawa sa Strand Palace Hotel, London, kung saan nagbigay ang forex instruktor na si Avramis Despotis ng detalyadong presentasyon sa paggamit ng iba’t-ibang forex trading tools, kabilang ang mga ginawa ng Tradepedia forex trading academy. Nakapagbigay siya sa mga dumalo ng pagpapakilala sa mga mahahalagang aspeto ng market trending at price momentum, kung saan magagamit ang mga teknik sa technical analysis sa swing trading.

Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar ay idinisenyo para makapagbigay ng praktikal na kaalaman sa mga pinaka-importanteng aspeto ng swing trading at makapagbigay sa mga dumalo ng mga istratehiya sa pag-trade na may mataas na potensyal.

Salamat sa tulong ni Mr. Despotis, ang mga dumalo sa event ay nagkaroon ng oportunidad na magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa kung paano gamitin ang technical analysis para alamin ang paggalaw ng presyo sa iba’t-ibang financial instruments, pati na rin sa kung paano i-trade ang mga instrument na ito sa MT4 platform na makikita sa XM.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kliyente na sinamahan kami sa London seminar, at sa ibaba makikita ang mga litratong kinuha sa event.