Forex Trading Seminar Isinagawa para sa mga Kliyente sa Spain

Nakapaskel Hunyo 7, 2017 ng 7:54 am GMT. Magbasa Pa Balita

Kamakailan lang bumalik ang pangkat ng XM galing Spain, kung saan sinalubong nila ang mga kliyente sa dalawang pang-edukasyonal na events: isang seminar sa Barcelona noong ika-6 ng May, na sinundan ng seminar sa Madrid noong ika-3 ng June.

Sa parehong forex trading seminars na isinagawa ng XM, ipinresenta ng Academia de Mercados ang paksa na sumi-sentro sa mga istratehiya sa gap trading at tinulungan ang mga dumalo na maging pamilyar sa mekanismo nitong istratehiya na magagamit sa pag-trade ng forex at stocks.

Para sa lahat ng dumalo sa seminar sa alinmang siyudad, nagbigay ang Academia de Mercados ng malalim na kaalaman sa mga pangunahing aspeto ng mga teknik sa online investing. Kabilang ang mga pamamaraan para bigyang-kahulugan ang candlestick charts, tukuyin ang support-resistance levels at gamitin ang Fibonacci tools, ang mga dumalo ay natuto din ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa tamang pamamaraan para paliitin ang risk sa pamamagitan ng pagkakaintindi sa kung paano naaapektuhan ng trading psychology ang desisyon sa pag-invest.

Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na dumalo sa event ay lubos na natuwang makilala ang aming mga kliyente nang personal para pag-diskusyunan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest sa XM.

Ang seminar sa Madrid ay nagdagdag ng higit na kasiyahan sa pang-edukasyonal na parte ng event sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga kliyenteng sumali sa XM Lucky Draw, kung saan 2 maswerteng nanalo ang ini-raffle. Kaya naman, binabati namin sila sa kanilang mga premyo na dalawang tickets sa MotoGP World Championship sa Barcelona, kung saan sagot ng XM ang accommodation at flights. Muli, binabati namin sila sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw sa Madrid Seminar

Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: 1 ticket sa MotoGP World Championship sa Barcelona 14121343
Premyo 2: 1 ticket sa MotoGP World Championship sa Barcelona 24047311

Sa ibaba makikita ang mga litratong kinuha sa bawat event.