Forex Trading Seminar tungkol sa Technical Analysis Ginanap sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Mayo 22, 2017 ng 9:31 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-20 ng May, ang Kuala Lumpur, Malaysia ay naging destinasyon na naman ng XM para mag-host ng libreng forex seminar tungkol sa paggamit ng technical analysis sa pag-trade.

Ginanap sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur, ang seminar ay idinisenyo para sa mga online investors na interesadong magkaroon ng praktikal na impormasyon tungkol sa technical indicators at mga istratehiya para pagsamahin ang mga ito sa mga sistema sa pagsunod ng trends.

Ang nag-prisenta na si Mario Pashardes, ang Chief Market Strategist ng Tradepedia, ay nagbigay ng presentasyon sa mga dumalo tungkol sa pag-trade ng forex at iba pang financial instruments gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River indicators.

Ang mga dumalo ay ipinakilala sa iba’t-ibang mga pamamaraan na ginagamit para tukuyin ang lakas at kalidad ng trends, pati na rin sa mga pamamaraan para pabutihin ang kanilang pag-trade sa pamamagitan ng pag-intindi sa mga mekanismo ng technical indicators kapag naga-analisa ng price patterns at trends.

Ang event ay hindi lamang nagbigay sa mga dumalo ng mga pinakabagong impormasyon tungkol sa mga teknik sa forex trading, ngunit maganda rin itong okasyon para makilala namin nang personal ang mga kliyente at pag-usapan ang kanilang pangangailangan sa online investing sa XM.

Nais naming makilala lahat ng sumama sa amin sa isang-araw na seminar sa Kuala Lumpur at nais naming bumalik sa Malaysia sa hinaharap.

Para tingnan ang mga detalye ng nalalapit na XM forex trading seminars sa Malaysia at para makapag-rehistro na kaagad, mangyaring mag-click dito.