Mga Forex Seminar ng XM Isinagawa sa Colombia at Peru

Nakapaskel Pebrero 25, 2019 ng 1:35 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Dalawa pang mga forex trading seminar ang isinagawa ng XM sa Latin America ngayong Pebrero na pinuntahan ng napakaraming bilang ng mga trader. Dito, ang mga paksang tinalakay ay mahalaga sa parehong mga baguhan o beterano na.

Ang unang lokasyon na binisita namin ay ang Bogotá, Colombia, noong Pebrero 9, na pinamunuan ni Jarek Duque, ang Punong Tagapagturo ng Tradepedia sa Latin America. Sinundan ito sa Lima, Peru, noong Pebrero 16, sa pinagsamang presentasyon nila Jarek Duque at Felipe Erazo, na Tagapagturo din ng Tradepedia sa Latin America.

Ang paksa ng seminar na tinalakay sa Bogotá ay tumuon sa paggamit ng isa sa pinakakilalang indicator sa technical analysis, ang Ichimoku Kinko Hyo, na ginagamit para matulungan ang mga trader na tukuyin ang direksyon ng trend, malaman ang lebel ng support-resistance, at sukatin ang galaw ng market. Kaya naman, nagkaroon ng oportunidad ang mga bisita na matuto ng mga mahalagang kaalaman tungkol sa trading tool na ito na maraming pinaggagamitan at mayroon ding mahalagang papel sa pag-trade ng mga nag-i-invest. Ang paksa na tinalakay naman sa Lima ay tumuon sa dalawang tiyak na indicator sa technical analysis, ang Avramis Swing Indicator at mga trend reversal indicator, na lubhang magagamit para samantalahin ang pandandaliang price action sa swing trading.

Sa pagtapos ng mga presentasyon, nagkaroon ng oportunidad ang mga bisita sa bawat lokasyon na makasali sa XM Lucky Draw, kung saan makikita sa ibaba ang mga nanalo. Binabati namin ulit sila sa kanilang mga napanalunang premyo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Bogotá

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Flight at tirahan sa Engrandeng Handaan ng XM sa Mexico 43070867
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 12172360
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 13698236
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 42146981

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Lima

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Flight at tirahan sa Engrandeng Handaan ng XM sa Mexico 4065125
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 33193155
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 38079859
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 42144538

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng mga bisita sa pagpunta sa aming mga forex seminar na isinagawa sa Colombia at Peru. Para sa mga gustong makapunta sa mga nalalapit na libreng pang-edukasyonal na seminar, magpapatuloy pa ang mga ito sa buong Latin America.

Para magbasa ng karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na forex seminar at para makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.