Mga Forex Trading Seminar Nakumpleto sa Sabah at Miri

Nakapaskel Mayo 16, 2017 ng 7:20 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng ika-22 ng April at ika-14 ng May, matagumpay na nakumpleto ng XM ang dalawa pang forex trading seminars sa Sabah at Miri, Malaysia.

Ang pag-biyahe sa buong Malaysia ngayong 2017 ay nagsimula noong February, sa isang-araw na mga seminar na ginanap sa siyudad ng Penang at Johor Bahru, na sinundan sa Sabah noong ika-22 ng April at Miri noong ika-14 ng May.

Tulad noong unang dalawang lokasyon, ang seminar na pinamagatang Confluence Techniques sa Forex Trading ay ipinresenta ng instruktor na si Zulle Razak sa parehong Sabah at Miri. Napakalaking bilang ng mga trader ang pumunta sa event sa bawat siyudad para matuto mula sa mga propesyonal na dedikadong magturo sa mga baguhan at batikang trader tungkol sa online forex trading.

Ang paksa ng seminar ay idinisenyo para magbigay ng praktikal na impormasyon tungkol sa paggamit ng technical at fundamental analysis, kabilang ang mga halimbawang madaling maintindihan na maaaring magamit ng mga nais pagsamahin ang iba’t-ibang teknik sa forex trading nang mas mabisa.

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa Sabah at Miri na nagpapakita ng tagumpay ng bawat seminar.