6 Asset Classes - 16 Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Layunin ng "Key Information Document" (KID): Binibigyan ka ng KID na ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa investment na produkto na isinalarawan sa sumusunod na bahagi. Hindi ito materyales para sa marketing. Ang impormasyon na ito ay kinakailangan ayon sa Batas para matulungan kang maintindihan ang katangian, mga risk, mga sigil, mga potensyal na kikitain at ilulugi ng Produkto para matulungan kang ikumpara ito sa iba pang mga produkto.
Ang Produktong ito ay maaaring i-trade nang "Over The Counter" (OTC).
Itong Dokumento ng Mahahalagang Impormasyon ay in-update noong 01.01.2019.
Ikay ay bibili ng Produkto na hindi simple at maaaring kumplikadong intindihin.
Ang Produkto na ito ay isang financial instrument sa ilalim ng sumusunod na kategorya: CFD sa currency pairs.
Ang produktong ito ay gumagawa ng leveraged exposure sa paggalaw ng halaga ng kaugnay na asset (ayun ay, AUDCAD currency pairs).
Ang kita ay lubos na naaapektuhan ng presyo at pagbabago ng kaugnay na asset, ang halaga ng leverage na ginamit ng investor at mga kaugnay na singil ng pag-trade. Ang presyo ng kaugnay na asset ay naaapektuhan ng demand at supply ng iba't-ibang mga aspeto gaya ng mahahalagang kaganapan sa politika (hal. eleksyon, mga referendum, atbp.), mga pag-anunsyo ng bangko sentral, mga pagbabago sa ekonomiya at geopolitics at pag-uugali ng mga investor.
Ang position sa Produkto na ito ay maaaring i-open at i-close 24 oras kada araw mula Sunday 22:05 GMT hanggang Friday 21:50 GMT.
Ang Produktong ito ay WALANG minimum holding period.
Ang pag-trade ng produktong ito ay hindi nababagay para sa lahat. Ang produktong ito ay madalas gamitin ng mga taong nais kumita mula sa short term exposures sa financial instruments/markets; gumagamit (nagti-trade) ng pera na kaya nilang malugi; may diversified investment at savings portfolio; may mataas na risk tolerence; at naiintindihan ang kahalagahan ng mga risks na kaugnay ng margin trading.
Ang produktong ito ay walang maturity o termination date.
Ang SRI ay isang gabay sa lebel ng risk nitong Produkto kumpara sa iba pang mga produkto. Ipinapakita nito kung ano ang probabilidad na malulugi ito ayon sa paggalaw ng mga market. Kinalala namin ang Produkto na ito bilang 7 out of 7, na siyang pinakamataas na klase ng risk.
Posibleng malugi lahat ng iyong mga investment, maliban na lang kung nagtakda ka ng limit sa pagkalugi (‘Stop Loss’) mula sa iyong investment. Higit pa dito, ang investment ay maaaring malugi kung ang Kumpanya ay hindi makakapagbayad. Gayunpaman, maaari kang makinabang mula sa consumer protection scheme (tingnan ang bahagi na "anong mangyayari kung hindi ka namin mabayaran"). Posibleng ang mga karagdagang pagbabayad sa iyong investment maliban sa iyong paunang investment ay kailangan para maiwasan ang iyong mga open positions na maging stopped out.
Ang produktong ito ay may mataas na liquidity at hindi nagmumungkahi ang Kumpanya ng holding period para sa alinmang position, mapa buy o sell man ito. Ang mga kliyente ay may kakayahang mag-open/close ng trade kailanman nila gustuhin, basta't bukas ang mga market.
Ang mga pagbabago sa market sa hinaharap ay hindi eksaktong mahuhulaan. Ang mga eksena na ipinapakita sa table 2 ay indikasyon lang ng ilan sa mga posibleng resulta base sa nakaraang presyo. Maaring mas mababa ang mga aktwal na kikitain.
Maari itong magbago depende sa mangyayari sa market at gaano katagal mong hahawakan ang CFD. Ipinapakita ng naka-stress na eksena ang matinding hindi kanais-nais na sitwasyon batay sa nakaraang datos. Ang pinakamalaking pagkalugi ay ang pagkawala ng buong investment. Ang resulta ay neto sa lahat ng singil ng produkto, ngunit hindi kasama dito ang mga personal na bayarin sa buwis.
Ang mga palagay na ginamit sa pag-analisa ay inilalarawan sa ibaba:
Balanse | €1,124.96 |
Kinita | + 12% |
Kita / Lugi | + €124.96 |
Balanse | €998.96 |
Kinita | - 0% |
Kita / Lugi | - €1.04 |
Balanse | €886.03 |
Kinita | - 11% |
Kita / Lugi | - €113.97 |
Balanse | €867.60 |
Kinita | - 13% |
Kita / Lugi | - €132.41 |
Balanse | €1,115.62 |
Kinita | + 12% |
Kita / Lugi | + €115.62 |
Balanse | €992.66 |
Kinita | - 1% |
Kita / Lugi | - €7.34 |
Balanse | €892.53 |
Kinita | - 11% |
Kita / Lugi | - €107.47 |
Balanse | €873.66 |
Kinita | - 13% |
Kita / Lugi | - €126.34 |
Lahat ng pera ng kliyente na hinahawakan ng Kumpanya ay nakalagay sa iba't-ibang mga bank accounts, hiwalay sa sariling pondo ng Kumpanya, at pino-protektahan ng mga mapagkakatiwalaang institusyon sa Europe. Nagsasagawa ang Kumpanya araw-araw ng mga internal at external reconciliations ayon sa CySEC at mga panuntunan ng MiFID II para masiguro na pinapanatili ng Kumpanya ang sapat na pera ng kliyente sa mga accounts para masakop lahat ng mga pondo nila.
Sa hindi inaasahang eksena kung saan hindi ka mababayaran ng Kumpanya, maaaring makipag-ugnayan ang kliyente sa Investor Compensation Fund (ang "ICF"). Ang ICF ay ang huling mapagpupuntahan ng statutory fund ng Cyprus para sa mga kliyente ng Cyprus Investment Firms ("CIFs"). Nangangahulugan ito na maaaring magbayad ang ICF ng hanggang €20,000 kada karapat-dapat na kliyente, kung hindi matutugan ng Kumpanya ang mga pinansyal na obligasyon nito. Ang aktual na lebel ng kabayaran na ibibigay ng ICF ay base sa iyong claim. Ang ICF ay isang independienteng lupon, na isinagawa ayon sa Investment Services and Activities and Regulated Markets Law of 2007, kung saan bahagi ang Kumpanya, at awtorisado at regulado ng CySEC (License Number: 120/10).
Kumisyon | Hindi maaari |
Spread | Ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo sa buy at sell ay tinatawag na spread. Ang halagang ito ay nare-realize sa bawat panahon na ikaw ay mago-open o magku-close ng trade. Karagdagang impormasyon tungkol sa spreads ay makikita sa Website ng Kumpanya |
Arawang holding costs (Swaps) | Mayroong sisingilin sa iyong account sa bawat gabi na hinahawakan ang iyong position. Nangangahulugan ito na kapag mas matagal mong panghahawakan ang iyong position, mas magiging mahal ito. Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa swaps ay makikita sa Website ng Kumpanya |
Ang pag-trade ng mga CFD na Produkto ay may kaugnay na mataas na risk at madalas na pagbabago sa market at presyo. Ang mga kliyente ay maaaring mag-open/mag-close ng trade kailan man nila gustuhin, basta bukas ang market. Ang Kumpanya ay walang ibinibigay na holding period para sa anumang position buy o sell man ito. Maaaring piliin ng kliyente na maglagay ng 'Stop Loss' o 'Take Profit' sa kanyang trade para maiwasan ang risk ng matinding paggalaw.
Maaaring i-withdraw ng kliyente ang kanilang pangkabuuang balanse kailan man nila gustuhin, basta walang open positions sa kanilang trading account. Kung sakaling mayroong mga open positions, maaaring i-withdraw ng kliyente ang anumang halaga na lagpas sa kinakailangang margin para sa partikular na trade na iyon, ayun ay, ang kanilang 'libreng margin'. Lahat ng mga pag-withdraw ay maaaring isagawa mula sa 'Members' Area' na bahagi sa website ng Kumpanya.
Ang complaint form ay makikita sa "Members’ Area" na bahagi sa website ng Kumpanya.
Ayon sa batas kinakailangang ibigay ng Kumpanya sa mga kliyente nito ang mga sumusunod na dokumento at patakaran:
Babala sa Risk: Ang iyong kapital ay maaaring malugi. Ang mga produktong naka-leverage ay maaaring hindi para sa lahat. Tingnan ang aming Risk Disclosure.
Sa pamamagitan ng pag-click sa "Magpatuloy" na button, sumasang-ayon kang iproseso ng Trading Point of Financial Instruments Limited ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa pamamagitan ng live chat, alinsunod sa Privacy Policy ng Kumpanya, para sa layuning matulungan ka ng aming Customer Support Department.
Kung hindi ka sumasang-ayon dito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Members Area o sa support@xm.com.
Lahat ng mga paparating at papalabas na pag-uusap sa telepono, pati na ang ibang uri ng komunikasyon (kabilang na ang chat o mga email) sa pagitan natin ay ire-record at itatago para sa kalidad na pag-monitor, pagsasanay at kinakailangang pang-regulasyon.