Apat na Matagumpay na Seminar ng XM Idinaos sa Malaysia ngayong Hulyo

Nakapaskel Hulyo 25, 2019 ng 12:34 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Hulyo 6 at 20 ngayong taon, nagsagawa ang XM ng apat na pang-edukasyonal na seminar sa magkakaibang lungsod sa Malaysia. Pinamunuan ng mga propesyonal na tagapagturo ng forex na sina Mohd Helmi Izani at Zulle Razak ang mga seminar tungkol sa paggamit ng ilan sa mga pamamaraan sa pag-i-invest online.

Dalawang magkaibang paksa ang sabay na ipinresenta sa dalawang siyudad: noong Hulyo 6, sa Terengganu at Melaka isinagawa ang seminar, habang noong Hulyo 20 sinalubong naman namin ang mga bisita sa Sabah at Penang.

Ang dalawang paksang tinalakay sa mga bisita ay Ang Istratehiya na Avramis Swing Trading, na ipinaliwanag sa Terengganu at Sabah, habang sa lungsod naman ng Melaka at Penang, tinalakay sa mga bisita ang isang makabuluhang presentasyon tungkol sa Confluence Techniques sa Pag-trade ng Forex.

Ang bawat seminar ay libre para sa mga gustong matuto ng mga praktikal na detalye tungkol sa pinakamagagaling na paraan upang mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade, magkaroon ng magandang resulta at matuto kung paano mapahusay ang kanilang indibidwal na kasanayan sa pag-trade kapag nag-i-invest sa forex o iba pang pinansyal na instrument.

Ikinatutuwa naming magkaroon na naman ng oportunidad para makilala sa personal ang bawat isa sa mga bisita, at gusto namin silang pasalamatan sa kanilang interes na matuto katuwang ng XM.

Magpapatuloy pa ang mga seminar namin sa Malaysia, kaya naman gusto naming imbitahan ang mga kasalukuyan at bago naming kliyente na subaybayan pa ang mga seminar namin sa forex. Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar at makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.