Libreng Seminar sa Bergamo para sa Online Investors

Nakapaskel Setyembre 6, 2017 ng 7:13 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-2 ng September, nagsagawa ang XM ng isa pang seminar para sa mga online investors na nagsasalita ng Italian, ngayon naman sa siyudad ng Bergamo, Italy, tungkol sa paksa ng forex at CFD trading.

Sinalubong namin ang mga dumalo sa Starhotels Cristallo Palace, kung saan nagbigay ang instruktor na si Lorenzo Sentino ng propesyonal na presentasyon tungkol sa iba’t-ibang istratehiya na maaaring magamit ng parehong baguhan at batikang trader kapag nagti-trade sila ng forex at CFDs online.

Lahat ng mga dumalo sa seminar ay nakatanggap ng detalyadong presentasyon galing kay Lorenzo Sentino tungkol sa technical analysis tools na magagamit sa pagtukoy ng malakas vs mahinang market trends at sa paghanap ng tamang entry at exit points kapag nagti-trade ng iba’t-ibang financial instruments.

Sa tulong ng seminar syllabus, kahit ang mga baguhan sa online trading ay nagkaroon ng praktikal na impormasyon tungkol sa global markets at mga teknik sa pag-trade. Para sa parehong baguhan at batikang trader, isang malaking bahagi ng seminar ang tumuon sa trading psychology at ang papel na ginagampanan nito sa desisyong mag-trade. Higit sa lahat, ipinaliwanag din ni Lorenzo Sentino ang mga teknik sa risk management, na mahalagang gamitin ng bawat trader sa kanilang indibidwal na istratehiya sa pag-trade.

Ang seminar ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan ang mga maswerteng nanalo ay ini-raffle sa event, at muli namin silang binabati sa kanilang mga premyo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: dalawang laps gamit ang Ferrari 488 GTB – Cremona 3144715
Premyo 2: TicketOne gift voucher na nagkakahalagang 100 EUR 21138503
Premyo 3: Gift coupon para sa wine tasting sa Franciacorta 14078302

Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha noong seminar.