Libreng Forex Trading Seminar Nakumpleto sa Budapest

Nakapaskel Mayo 15, 2017 ng 9:56 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming magkaroon ng isa na namang forex trading seminar sa kapital ng Hungary, sa Budapest, noong ika-13 ng May, na nagbigay ng libreng rehistrasyon sa aming mga kliyente na nagsasalita ng Hungarian.

Ang seminar na pinamagatang Ang Dow Theory gamit ang Fibonacci ay pinagsamang presentasyon ng mga propesyonal na forex instruktor na sina Attila Szoboszlai at Zsolt Sándor, na may pakay na tulungan ang mga dumalo na magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga technical analysis tools sa day trading at swing trading.

Ginanap sa Kempinski Hotel Corvinus Budapest, ang event ay nag-imbita sa napakaraming bilang ng mga traders na nais magkaroon ng praktikal na kaalaman sa mga kasanayan sa online investing at market trending mula sa perspektibo ng Dow theory gamit ang Fibonacci. Maliban sa forex trading, ang mga teknik na ipinresenta ng bawat instruktor ay nagtalakay din ng mga istratehiya na magagamit sa iba pang mga pangpinansyal na instrument na makikita sa MT5 platform, gaya ng mga indibidwal na stocks.

Ang mga dumalo sa event ay hindi lamang nakinabang sa mga praktikal na pagpapaliwanag nila Attila Szoboszlai at Sándor Zsolt ngunit natalakay din nila ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest sa mga kinatawan ng XM na dumalo sa event.

Pinasasalamatan namin ang lahat ng mga kliyente na sinamahan kami sa XM seminar sa Budapest, at makikita sa ibaba ang mga litratong kinuha dito.