Libreng Forex Trading Seminar Matagumpay na Isinagawa sa Muscat

Nakapaskel Abril 18, 2017 ng 11:29 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-15 ng April, bumalik ang XM sa Middle East para sa forex trading seminar na may libreng rehistrasyon para sa lahat ng mga kliyente nito.

Ang event ay isinagawa sa Sheraton Oman Hotel sa siyudad ng Muscat, kung saan nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga dumalo para sa interaktibo at pang-edukasyonal na event na ipinresenta ng tanyag na instruktor na si Habib Akiki.

Ang interaktibong seminar at workshop ay tumalakay sa mga importanteng aspeto ng mga teknik sa forex swing trading, kabilang ang mga pamamaraan para bigyang kahulugan ang market trends at paggalaw ng presyo, pagpapakita ng iba’t-ibang mga praktikal na pamamaraan para magkaroon ng tamang position sizing at risk management. Ang mga dumalo sa event ay naging pamilyar din sa ilan sa mga epektibong trading tools ng Tradepedia, na ginawa na may pakay para tumukoy ng trends, pati na ng pag-plano ng entry at exit points nang mas tama.

Babalik kami ulit sa Middle East sa hinaharap, at iniimbitahan namin ang aming mga kliyente para sa libreng forex seminar sa siyudad ng Kuwait sa ika-6 ng May. Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro mag-click dito.