Nalalapit: Libreng XM Seminar sa Kuala Lumpur Tungkol sa Forex Confluence Techniques

Nakapaskel Setyembre 4, 2019 ng 7:54 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa mga susunod na buwan, ipagpapatuloy ng XM ang mga edukasyonal na programa nito para makapagbigay ng propesyonal na gabay sa mga nag-i-invest sa Timog-Silangang Asya tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Ngayong Oktubre 12, ang seminar na pinamagatang Confluence Techniques gamit ang Avramis River Indicator ay makakarating sa pinansyal na sentro ng Malaysia, ang Kuala Lumpur, sa pamamagitan ng presentasyon ng kilalang eksperto at dedikadong tagapagturo ng forex na si Zulle Razak.

Ang seminar na gaganapin sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel ay naghihintay para sa lahat ng mga interesadong mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest sa tulong ng praktikal na gabay. Dahil layunin ng seminar na turuan ang mga bisita kung paano pagsama-samahin ang iba’t-ibang technical analysis tools sa iisang mahusay na istratehiya, tatalakayin ang magkakaibang aspeto sa pag-i-invest online, kung saan ang bawat isa ay mahalaga para magkaroon ng mahusay na resulta.

Para mapakita ang tamang paggamit ng confluence sa magkakaibang eksena, tatalakayin ni Zulle Razak kung paano nauugnay ang iba’t-ibang aspeto ng pag-trade online at kung paano kokolektahin at bigyang-kahulugan ang datos sa market kapag nag-i-invest sa magkakaibang instrument. Higit pa, isa sa mahalagang paksa ng kanyang presentasyon ay ang paggamit ng sariling technical analysis tool ng Tradepedia, ang Avramis River indicator.

Nasasabik na kaming makilala ang mga kasalukuyan at bago naming kliyente sa nalalapit na seminar. Para magbasa pa ng karagdagang detalye at makapag-reserba na ng libreng puwesto sa seminar, mangyaring mag-click dito.