Pumunta sa Seminar sa Athens Tungkol sa mga Istratehiya sa Pagsunod sa Trend

Nakapaskel Oktubre 18, 2019 ng 9:45 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Nobyembre 23, magsasagawa ang XM ng forex seminar at workshop sa kapital ng Greece, sa Athens, para makapagbigay ng oportunidad sa mga nagti-trade na makasali sa isang edukasyonal na seminar tungkol sa mga istratehiya at pamamaraan sa pag-i-invest.

Para sa lahat ng mga pupunta, ang technical analyst at sertipikadong instruktor ng Tradepedia na si Charalambos Spyridis ang magbibigay ng presentasyon tungkol sa mga istratehiya at pamamaraan sa pagsunod sa trend, para maplano ang pagpasok at paglabas sa market gamit ang Moving Average Ribbon indicator.

Nakatakdang isagawa sa InterContinental Athenaeum Hotel sa Athens, ang seminar ay dedikado sa pagtatalakay ng iba’t-ibang istratehiya sa pag-i-invest na ginagamit para pakinabangan ang mahabaan, katamtaman at panandaliang galaw sa magkakaibang market, kabilang na ang mga pamamaraan na ginagamit sa moving averages.

Ang presentasyon ni Mr. Spyridis ay maglalaman ng mahahalagang detalye kung paano makakatulong sa mga nagti-trade ang paggawa ng indicator na parang ribbon, upang matukoy ang lakas ng trend, at malaman kung saan may support-resistance sa pamamagitan ng pagsusuri sa presyo kaugnay ng Moving Average Ribbon. May mga serye din ng mga praktikal na halimbawa na ipapakita sa mga bisita para magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa pagpapababa ng risk gamit ang mga stop at take profit orders, upang makapaghanda nang mas mabuti sa paglabas sa market.

Kilalanin kami sa Athens sa Nobyembre 23 at huwag palampasin ang pagkakataong makapunta sa seminar na idinisenyo para bigyan ka ng bagong kaalaman tungkol sa mas mahusay na paggamit ng technical analysis tools! Para magbasa pa ng karagdagang detalye at makapag-reserba na ng puwesto sa libreng seminar, mag-click dito.