Dalawa Pang Forex Seminars Matagumpay na Isinagawa sa Thailand

Nakapaskel Hulyo 26, 2017 ng 7:19 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taon ilang beses na binisita ng XM ang Thailand sa magkakaibang okasyon para makapagbigay ng libreng forex trading seminar sa mga traders sa iba’t-ibang lokasyon sa bansa. Ang pinakabago sa mga seminar na ito ay isinagawa sa Khon Kaen noong ika-1 ng July at sa Phitsanulok noong ika-22 ng July.

Sa bawat lokasyon ipinresenta ang seminar na pinamagatang Pag-trade Gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River ng propesyonal na forex instruktor na si Sompop Jittrakul, na popular sa mga trader na nagsasalita ng Thai para sa kanyang kaalaman sa pag-trade at kakaibang estilo sa pag-presenta.

Idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan at inaasahan ng parehong baguhan at batikang online traders, ang seminar ay tumalakay sa paggamit ng technical analysis tools na makakatulong sa traders para tukuyin ang market trends at malaman kung kalian mainam mag-enter at mag-exit sa markets.

Namahagi si Sompop Jittrakul ng napakaraming impormasyon sa mga trader sa Khon Kaen o sa Phitsanulok na maaaring makatulong sa mainam na pag-trade ng forex sa regular na basehan. Mula sa mga pinakamadadaling aspeto hanggang sa paggamit ng indicators, pagtukoy ng buy at sell signals sa charts, pagkakaintindi sa kahalagahan ng support-resistance levels, at higit sa lahat ang paglapat ng tamang risk management, iba’t-ibang trading tools ang ipinaliwanag at ipakita na magagamit ng mga traders sa ika-21 na siglo kapag nagti-trade ng iba’t-ibang financial instruments.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kliyente sa pagdalo sa dalawang seminar, at ikinatutuwa naming magkaroon na naman ng oportunidad na makilala sila nang personal.

Ang serye ng seminar na ini-host ng XM sa Thailand ay magpapautloy pa ngayong tag-init at taglagas. Para tingnan ang nalalapit na lokasyon ng event at makapag-rehistro na sa napiling seminar, mag-click dito.