Iba pang mga Matagumpay na Forex Seminar Idinaos sa Thailand

Nakapaskel Nobyembre 19, 2019 ng 1:16 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Oktubre at Nobyembre, may iba pang mga matagumpay na forex seminar na isinagawa sa magkakaibang bahagi ng Thailand, para makapagbigay ng mahusay na oportunidad sa mga nag-i-invest na makinabang sa propesyonal na edukasyon at mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade.

Ang mga lungsod na binisita naman namin ngayon ay ang Hat Yai noong Oktubre 26, na sinundan sa Chiang Rai noong Nobyembre 2 at Ubon Ratchathani noong Nobyembre 16. Sa bawat lokasyon, ang mga seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River ay dinaluhan ng napakaraming bisita na nagkaroon na naman ng pagkakataong makapunta sa isang interaktibong forex seminar na pinamunuan ng kilalang instruktor ng XM na si Sompop Jittrakul.

Ang seminar ay tumuon sa kahalagahan ng mga time frame at trend, pati na ang iba’t-ibang paraan para masuri ang lakas at kalidad ng trend. Dahil parehong napakahalaga ang malalim na pag-unawa at paggamit ng mga indicator para mapag-aralan ang mga trend, nagkaroon din ng oportunidad ang mga bisita na maging pamilyar sa dalawang lubhang mapapakinabangang indicators, ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River.

Maliban sa edukasyonal na layunin ng seminar, isang malaking karangalan ang makipag-ugnayang muli sa mga kasalukuyan naming kliyente at makilala ang mga bagong kliyente. Gusto naming pasalamatan silang lahat sa pagsali sa bawat seminar.

Ang mga libre naming forex seminar ay magpapatuloy pa sa buong Thailand. Para makilala kami sa susunod naming seminar sa Bangkok ngayong Nobyembre, mangyaring basahin ang mga detalye ng seminar at mag-rehistro na dito.