Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng demo at real account?

Habang lahat ng mga katangian at functions ng real account ay makikita din sa demo account, kailangan mong tandaan na hindi matutumbasan ng simulation ang tunay na kundisyon sa market. Isang mahalagang pagkakaiba ay ang halaga na sinasagawa sa pamamagitan ng simulation ay hindi nakakaapekto sa market; habang ang tunay na trading volumes ay mayroong epekto sa market, lalo na kung malaki ang deal size. Ang bilis ng pagsasagawa ng orders ay parehas lamang sa real trading accounts at XM demo accounts.

Higit pa dito, nag-iiba ang sikolohikal na profile ng mga user kapag nagti-trade sila gamit ang demo o real account. Maaaring nakakaapekto ang aspetong ito sa pagsusuri gamit ang demo account. Pinapayuhan ka naming maging maingat at iwasan ang pagiging panatag sa anumang konklusyong nakuha mo sa paggamit ng demo account. Maaari ka pang magbasa ng karagdagang detalye tungkol sa mga demo account dito.

Kailangan ng tulong?

Kung mayroon kang tanong na hindi sakop ng Help Center, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at malugod kang tutulungan ng isa sa aming mga kinatawan.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.