Importanteng Update mula sa XM

Nakapaskel Abril 23, 2020 ng 11:46 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong mga nakaraang araw, nagkaroon ng napakatinding pagbabagu-bago sa market ng langis. Gayundin, nakita natin na ang presyo ng futures para sa WTI OIL sa buwan ng Mayo ay nag-trade sa negatibong presyo, isang pangyayari na hindi pa nararanasan kailanman.

Gusto naming ipaalam sa’yo na upang protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya mula sa inaasahang gulo sa market sa panahong ito, ipapatupad ng XM ang mga sumusunod na pansamantalang patakaran:

Mula 17:00 oras sa server (GMT+3) sa Biyernes, 04/24/2020, ang pinakamababang margin na kailangan para sa lahat ng mga position (para sa pag-open ng mga bagong position at pagpapanatili ng mga kasalukuyang position) ay pansamantalang itataas patungong:

  • 6% (17:1 leverage) para sa GSOIL at NGAS
  • 4% (25:1 leverage) para sa OIL, OILMn at BRENT

Kung sakaling naging 0 ang presyo ng alinmang instrument sa enerhiya (OIL, OILMn, BRENT, GSOIL at NGAS), iku-close ng Kumpanya lahat ng mga open position sa huli nitong presyo sa market. Isa itong kinakailangang hakbang dahil hindi sinusuportahan ng trading platforms ang negatibong presyo sa mga pinansyal na instrument.

Kaugnay nito at para protektahan ang aming mga kliyente at ang Kumpanya, maaring magpatupad ang XM ng iba pang mga patakaran kabilang na ang pagtatakda sa mga nasabing instrument sa close-only mode o paghihinto ng pag-trade nito. Kapag magpapatupad ng mga naturang hakbang, sisikapin ng Kumpanya na ipaalam ito kaagad sa mga kliyente, pero dahil sa hindi normal na kondisyon sa market, maaring ipatupad ng Kumpanya ang mga hakbang na ito nang may maikli o walang pangunang abiso.

Hindi na ipapatupad ang mga paghihigpit sa pag-trade sa sandaling bumalik na sa normal ang kondisyon sa market.

Pinapayuhan ang mga kliyenteng nagbabalak magpanatili ng mga open position sa panahong ito, na siguruhing sapat na napondohan ang kanilang mga trading account para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin call at/o stop-out sa kanilang pag-trade.

Tandaan: Para makita ang tamang kinakailangang margin, mangyaring siguruhin na may pinakabago kang bersyon ng XM MT4/MT5 Client Terminal.