Mahalagang Update mula sa XM

Nakapaskel Abril 21, 2022 ng 9:50 am GMT. Magbasa Pa Balita

Gusto naming ipaalam sa’yo na ang nalalapit na pangalawang bahagi ng Eleksyon sa Pagkapangulo sa France, na gaganapin sa Abril 24, 2022, ay maaaring magdulot ng mas matinding pagbabago-bago sa market, manipis na liquidity, hindi normal na spreads, at price gaps.

Kailangang siguruhin ng mga kliyenteng nagbabalak magpanatili ng mga open position sa panahong ito na napondohan ang kanilang mga trading account para maiwasan ang anumang pagkaabala mula sa posibleng margin call at/o stop-out sa kanilang pag-trade.

Pakitandaan: Para makita ang tamang margin na kailangan, siguraduhin na mayroon kang pinakabagong bersyon ng XM MT4/MT5 Client Terminal.