Binisita Muli ang Italy – Mga Forex Trading Seminars sa Naples at Catania

Nakapaskel Hulyo 18, 2017 ng 1:20 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa simula ng tag-init bumalik na naman ang XM sa Italy para sa dalawa pang forex at CFD trading seminars na idinisenyo para bigyan ang mga trader na nagsasalita ng Italian ng mga magagamit na kaalaman sa mga teknik sa pag-trade.

Ang unang seminar ay sumalubong sa mga online investors sa Naples noong ika-24 ng June, habang ang pangalawa ay isinagawa sa Catania noong ika-15 ng July. Ang parehong events ay nagkaroon ng iisang paksa, ang Mga Teknik sa Pag-trade para sa Forex at CFDs, at ipinresenta ang mga ito ng forex instruktor na si Lorenzo Sentino.

Ang mga dumalo sa bawat seminar ay nagkaroon ng oportunidad na makadalo sa presentasyon tungkol sa mga pinakamahahalagang aspeto sa pag-trade na ginagamit sa online investing. Mula sa pagpapakilala ng global financial markets hanggang sa mga detalyeng kaugnay ng market trending at price action, ang mga dumalo ay ginabayan sa lahat ng mga importanteng hakbang sa mga istratehiya sa pag-trade na nangangailangan ng malalim na pagkakaintindi sa sa alinmang trader na nais pabutihin ang kanilang risk management.

Sa bawat seminar, layunin ni Lorenzo Sentino na makapagbigay ng presentasyong madaling maintindihan tungkol sa mga teknik sa technical analysis, at higit sa lahat kung paano ito magagamit nang madalas, depende sa kung anong instrument ang itini-trade.

Ikinatutuwa naming makabalik sa Italy, makipag-ugnayan muli sa marami sa aming mga kliyente at salubungin ang mga bagong kliyenteng sumali sa seminar sa unang pagkakataon.

Babalik ulit kami sa Italy, sa siyudad naman ng Bergamo, para sa bagong libreng forex trading seminar, kung saan maaari kang mag-rehistro dito.