Pinakabagong mga Forex Seminar Matagumpay na Idinaos sa Thailand

Nakapaskel Oktubre 29, 2019 ng 9:16 am GMT. Magbasa Pa Balita

Mula Enero, nakapagsagawa na ang XM na napakaraming mga forex trading seminar sa buong Thailand, para makapagbigay ng oportunidad sa mga nag-i-invest online na makaranas ng libreng edukasyon na may mataas na kalidad.

Ang tatlong pinakabagong lokasyon ng seminar sa Thailand na Phuket, Chonburi at Udon Thani ay idinaos sa pagitan ng Setyembre 7 hanggang Oktubre 19, kung saan sinalubong namin ang mga bisita na pursigidong matuto ng bagong kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Sa bawat lungsod, ang eksperto sa market at batikan sa pagtuturo ng forex na si Sompop Jittrakul ang nagtalakay ng presentasyon tungkol sa pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River. Tulad ng dati, parehas din ang layunin ng seminar, ayan ay, ang mabigyan ang mga bisita ng mga kinakailangang kaalaman para magkaroon ng mahusay na resulta sa pag-i-invest sa pangmatagalan.

Dahil ang paksa ng seminar ay may kinalaman lang sa tamang paggamit ng technical indicators, ipinaliwanag ni Sompop Jittrakul ang mga paraan sa technical analysis na kailangan ng mga nag-i-invest online para maging mas tama ang pagtukoy nila sa galaw ng presyo. Gamit ang mga halimbawa na madaling maintindihan, ipinakita din niya ang paggamit nito sa magkakaibang eksena para matulungan silang maintindihan kung paano tumatakbo ang ilan sa mga mahahalagang indicators.

Lubhang natutuwa ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makipag-ugnayang muli sa napakarami naming kliyente na paulit-ulit pumupunta sa aming mga forex seminar, at makilala ang mga bagong kliyente na paumpisa pa lang sa kanilang pag-aaral katuwang ng XM. Gusto naming pasalamatan lahat ng pumunta sa seminar sa tatlong siyudad, at para sa lahat ng mga hindi nakapunta dito, natutuwa kaming ibalita na marami pang mga seminar ang idadaos sa Thailand sa hinaharap.

Para magbasa pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga nalalapit na seminar sa Thailand at para makapag-rehistro na agad nang libre, mangyaring mag-click dito.