Bagong mga XM Seminar Matagumpay na Idinaos sa Pilipinas

Nakapaskel Setyembre 4, 2019 ng 12:21 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Agosto 17 at 31, dalawa pang edukasyonal na seminar ang matagumpay na idinaos sa Pilipinas, kung saan natutuwa kaming salubungin ang napakadaming bilang ng mga bisita na pursigidong makatanggap ng propesyonal na gabay mula kay Jonathan Lou Reyes, ang Punong Instruktor sa Pilipinas.

Ang forex seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon Indicator ay sumalubong sa napakaraming nagti-trade ng forex sa Baguio noong Agosto 17, na sinundan sa Cebu noong Agosto 31, kung saan lahat sila ay nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa libreng seminar.

Ang masinsinan at praktikal na impormasyong ibinahagi sa seminar ay nagbigay-daan para mas matutunan ng mga bisita kung paano mapakinabangan ang technical analysis sa kanilang pag-i-invest, at kung paano gamitin ang Moving Average Ribbon indicator para matukoy ang lakas ng trend sa market, pati na ang mga lugar kung saan may support-resistance, at bigyang-kahulugan ang mga signal para sa potensyal na pagbabago ng trend sa market.

Isa sa mga pinakamahahalagang aspeto ng pag-trade ng forex, ayan ay, ang pagpapababa ng risk, ay tinalakay din ni Jonathan Lou Reyes. Ipinaliwanag niya kung bakit ang risk sa pag-i-invest ay isang aspeto na hindi mahihiwalay sa kahihinatnan ng pag-trade, at kung anu-anong mga paraan ang maaring gamitin para mapababa ito nang husto.

Sa pagtatapos ng dalawa pang matagumpay na seminar sa Pilipinas, gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa bawat lungsod, at iniimbitahan na namin lahat ng mga kliyente sa aming mga nalalapit pang mga seminar.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at makapag-reserba na ng libreng puwesto sa mga seminar na gaganapin sa Pilipinas, mangyaring mag-click dito.