Instruktors

Instructor

Avramis Despotis


Si Avramis Despotis ay ang tagapagtatag at CEO ng Tradepedia at may hindi mapapantayang karanasan sa mga pinansyal na market. Nakapagturo na siya sa libo-libong pribado at institusyonal na traders, kung saan dalubhasa siya sa technical analysis, pagpapababa ng risk at pag-uugali sa pananalapi. Regular din siyang nagbibigay ng ekspertong pagsasanay sa mga nangungunang kumpanya at kilala siya bilang trader na nakahula sa pagbagsak ng stock market noong 2007 mula 2500 puntos patungo sa 500 puntos, na nalathala sa magkakaibang publikasyon at mga tanyag na website ng balita.

Matapos magtapos ng BSc Economics sa University College London, tinapos niya ang MSc sa Finance and Banking mula sa Athens University of Economics. Isa siyang Certified Financial Technician sa International Federation of Technical Analysts, miyembro ng British Society of Technical Analysts at sertipikado ng CySec sa Portfolio Management at pag-trade sa sariling account.

Instructor

Gil Paz


Si Gil Paz ay mayroong mahaba at matagumpay na karera na nagsimula noon pang 2012, kung saan nagti-trade siya para sa mga institusyonal na kliyente at gamit rin ang sarili niyang kapital. Bilang tagasunod sa trend na may diskarteng sumusunod sa proseso, eksperto siya sa napakaraming uri ng mga currency, commodity at index.

Isa siyang batikang tagapagturo na parehong komportable sa paglalahad ng mga diskarte at pagsusuri sa market gamit ang salitang Ingles at Aleman. Ang kanyang mga sesyon ay parehong nakakaaliw at nagbibigay-kaalaman para sa mga dumadalo dito at aktibo niyang hinihimok ang interaksyon sa kanyang mga kapwa trader.

Instructor

Andrzej Zieniuk


Si Andrzej Zieniuk ay isang batikang day trader sa US stocks, at market ng commodity at derivatives, na dalubhasa sa pag-trade ng DAX, S&P 500, ginto, Crude WTI, GBP at AUD. Ang kanyang pamamaraan sa pag-trade ay batay sa technical analysis, na sinusuportahan ng mga fundamental at momentum na diskarte.

Siya ay isang beteranong tagapagturo na nagtrabaho na sa mga proyekto ng XM sa online na edukasyon simula noong Agosto 2019, kung saan tumutuon siya sa pasikot-sikot ng mga pinansyal na market at mga teknikalidad ng CFDs bilang produkto sa derivatives.

Instructor

Constantinos Loizou


Aktibo na sa mga pinansyal na market si Constantinos Loizou simula pa noong 2015 bilang pribadong nag-i-invest, dealer ng forex, at tagapayo ng kliyente sa mga malalaking kumpanya sa pamumuhunan. Isa siyang Certified Financial Technician na may sertipikasyon mula sa International Federation of Technical Analysts at mayroong International Certificate sa Wealth and Investment Management mula sa CISI, bukod pa sa CySEC Advanced Certification.

Dalubhasa siya sa crypto, mga equity, at pag-i-invest sa forex pairs, gamit ang parehong technical at fundamental analysis. Nagsisilbi rin siya bilang Technical Analyst at instruktor para sa Tradepedia.

Instructor

Darek Dargo


Si Darek Dargo ay aktibo nang nasa market ng forex simula noong 2010, kung saan tumutuon siya sa mga klasikong sistema na batay sa technical analysis at price action patterns. Matibay ang kanyang paniniwala na nangunguna muna dapat ang kaligtasan bago ang risk, at dalubhasa siya sa pag-trade ng mga pangunahing currency, pati na ang ginto at pilak.

Mahusay sa pagtuturo sa mga kapwa trader, nagtrabaho siya sa isa sa pinakamalalaking portal ng pananalapi at ekonomiya sa Poland mula noong 2016, kung saan nakapaglathala na siya ng daan-daang artikulo at pagsusuri. Responsable siya sa pag-e-edit ng mga edukasyonal na artikulo sa wikang Ingles at pagsusuri ng mga currency pair at commodity sa portal.

Instructor

Doug Rumer


May karera na nagsimula pa noong 1999, si Doug Rumer ay isang batikang trader na dalubhasa sa technical analysis at pag-trade ng mga US stocks at index. Tumutuon siya sa mga diskarte na nakakapagpababa ng risk at pinapabuti niya ang mga proseso sa pag-trade, partikular na ang Check Mark pattern indicator at pagkalkula ng lebel ng support at resistance bago pumasok sa market.

Mayroon din siyang malawak na karanasan sa pagtuturo sa mga baguhan, partikular na ang pag-iwas sa mga maaagang patibong na nararanasan ng ilang mga baguhan.

Instructor

Dzhuneyt Vahid


Bilang isang price action swing trader, gumagamit si Dzhuneyt Vahid ng matatag na fundamental na pananaliksik at pagsusuri sa pananaw ng mga trader. May mahaba siyang karanasan sa matagumpay na pag-i-invest at tumutuon sa pandaigdigang macro-overlay lalo na sa mga currency, equity at commodity. Naniniwala siya na ang kanyang tagumpay ay dahil sa paghahanda at pagiging consistent, at ibinabahagi niya ang kanyang mga pamamaraan sa mga estudyante na kanyang tinuturuan.

Sinimulan niya ang kanyang karera sa online na pag-trade ng currency at commodity noong 2011, at pagkatapos pag-aralan ang leverage trading nang tumutuon sa pagpapababa ng risk, nagbibigay na siya ngayon ng kaalaman sa pagti-trade at pag-i-invest sa libo-libong traders at investors na mula sa iba't-ibang sulok ng mundo. Nagtatrabaho rin siya bilang panauhing lektor at tagapag-organisa, kung saan lumalahok siya sa iba't-ibang uri ng mga pinansyal na forum, seminar at webinar.

Instructor

Frank Sohlleder


Mula pa noong 2011, nagtatrabaho na bilang isang technical trader si Frank Sohlleder sa stocks, mga commodity at forex, kung saan tumutuon siya sa price action trading at antas ng liquidity. Dalubhasa siya sa pagtukoy ng mga trend reversal at range rebound.

Gumagamit siya ng pamamaraan na nakatuon sa proseso at mga sistema na batay sa simpleng hakbang na maaaring ipatupad. Sinabi niya na ang kanyang paraan sa pagtatagumpay ay ang pagtitiwala sa resulta at pag-iwas sa panlabas na impluwensiya. Sa kanyang mga sesyon, nagbibigay siya ng detalyadong pagpapaliwanag ng kanyang mga pamamaraan para matulungan ang kanyang mga estudyante na gayahin ang kanyang tagumpay.

Instructor

Giancarlo Prisco


Simula noong 2014, nagtatrabaho na si Giancarlo Prisco kasama ng mga nangungunang trader sa Espanya at sumali na siya sa iba't-ibang internasyonal na event tulad ng pinakamahalagang taunang event sa Iberia, ang The Forex Day. Ang pangunahing pamamaraan niya sa pag-trade ay sa pamamagitan ng volume spread analysis at dalubhasa siya sa mga US Index, DAX, ginto at JPY currency pairs.

Kilala siya sa industriya bilang financial at macro analyst at kasalukuyang nagtatrabaho bilang general manager sa GP Global Consulting. Nagtapos siya ng Economics and Financial Institutions sa University of Bergamo sa Italya. Magaling siya sa pagbibigay ng edukasyonal na sesyon sa mga trader na may iba't-ibang antas at pagsusuri ng mga diskarte.

Instructor

Marcin Nowogórski


Isang batikang price action trader, nagsimulang mag-trade ng index futures at options si Marcin Nowogórski noong 2009 at naging full-time sa pagti-trade ng forex noong 2011. Ang kanyang pamamaraan ay nakatutok sa parehong technical at fundamental na diskarte, at simula noong 2013 propesyonal na siyang nauugnay sa pinansyal na pamamahayag at business development sa industriya ng pag-trade.

Sa kanyang pag-trade, nagpapatakbo si Marcin ng panandalian, katamtaman at pangmatagalang portfolio batay sa pinagsamang technical at fundamental na pamamaraan na nauugnay sa kanya-kanyang timeframe. Partikular siyang interesado sa sikolohiya sa pag-trade at pagtatasa ng probabilidad, habang binibigyang pansin ang parehong chart pattern at patakarang pang-salapi ng mga bangko sentral.

Instructor

Nenad Kerkez


Nagsimula sa forex at CFD trading si Nenad Kerkez noon pang 2010, kung saan mabilis siyang umangat bilang isa sa nangungunang 3 mula sa 400,000 traders sa Forex Factory. Pagkatapos nito, nagtrabaho siya sa Platinum Investments bilang head trader noong 2011. Isa sa mga nagpasimuno ng XM Live, isinusulong ni Nenad ang pag-trade nang may buong transparency, at hayagang inuudyok at tinuturuan ang mga trader na mag-trade, magtiwala at makita na pwedeng magtagumpay ang lahat sa forex at CFD trading gamit ang tamang pamamaraan.

Bilang tagapagturo, nanalo na siya ng maraming parangal at regular na itinatampok sa iba't-ibang nangungunang website sa forex market tulad ng FXStreet at FXEmpire bilang nangungunang kontribyutor araw-araw. Mayroon siyang master’s degree sa Finance at Economics at nagtapos siya sa unibersidad sa kursong International Economics, na parehong mula sa John Naisbitt University.

Instructor

Olugbemi Oyewale


Bilang kilalang tagapagturo ng forex, inilunsad ni Olugbemi Oyewale ang sarili niyang kumpanya sa online na edukasyon noong 2018, kung saan nakapagturo na siya ng mahigit 1,600 estudyante at natulungan niya silang mapabuti ang kanilang pagti-trade ng higit sa 70%. Bago nito, nakalikom siya ng karanasan sa pinansyal na industriya, kung saan nagtrabaho siya bilang Internal Auditor para sa FCMB Investment Banking Group at CardinalStone Registrars Ltd, pagkatapos makuha ang kanyang kwalipikasyon bilang Associate Chartered Accountant (ICAN) at BSc sa Accounting.

Dalubhasa siya sa technical at fundamental analysis, na may pagtuon sa technical, at patuloy niyang hinahasa ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng pag-place ng tatlo hanggang walong trades kada linggo. Nakatutok si Olugbemi sa mga fiat currency, mahahalagang metal, at stocks. Tumutuon din ang kanyang pagtuturo sa paggamit ng price action para magsimula ng trade, top-down na pagsusuri ng trend, at paggamit ng triple moving average. Kamakailan lamang, nagsulat siya ng kumpletong guidebook tungkol sa pag-trade ng forex, na lubhang nagustuhan ng mga trader mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Instructor

Reino Deetlefs


Sinimulan ni Reino Deetlefs ang kanyang pagti-trade sa Johannesburg Stock Exchange, kung saan pangunahin niyang ginagamit ang scalping at madalas na pagti-trade. Pumasok din siya sa forex market simula noong 2013 at nakaipon na ng malawak na karanasan sa pagti-trade.

Dalubhasa siya sa mga major at exotic currency pairs, pati na sa mga commodity, gamit ang parehong technical analysis at trend trading. Mahusay siya sa komunikasyon, at magaling sa pagpapaliwanag ng mga kumplikadong konsepto sa pag-trade bilang instruktor ng Tradepedia.

Instructor

Silvia Bellrock


Nagsimulang mag-trade si Silvia Bellrock noong 2012, kung saan nakahanap siya ng kakaibang mapagkakakitaan sa swing trading sa pamamagitan ng pagsasama ng technical analysis sa fundamental analysis. Eksperto siya sa pagkalkula ng lebel ng support at reverse at paggamit ng reversal candlestick patterns para makahanap ng napakahusay na trade na may mataas na kita at mababang risk.

Isa rin siyang eksperto sa pag-trade ng mga US index at stocks at natutuwa siyang ibahagi ang mga natutunan niyang kaalaman sa parehong technical at fundamental analysis nitong mga nakaraang taon. Matibay ang paniniwala ni Silvia na walang araw na hindi magandang pag-usapan ang mga diskarte sa pag-trade.

Instructor

Stanislav Kolev


Si Stanislav Kolev ay nagtatrabaho bilang retail at prop swing trader simula noong 2011, kung saan dalubhasa siya sa technical patterns, indicator trading at Wyckoff Theory. Natulungan na niya ang mga dumalo sa kanyang mga sesyon upang maging napakatagumpay na swing traders. Sa kanyang mga sesyon, ipinapaliwanag niya na ito ang pinakamadali at pinakatugmang estilo para sa mga taong ginagamit ang forex bilang pangalawang mapagkukunan ng kita pero may layuning gawin itong pangunahing mapagkakakitaan.

Isinusulong niya ang paggamit ng napaka-istriktong tuntunin sa entry, exit at pamamahala ng position sa lahat ng kanyang diskarte, nang tumutuon sa technical na pamamaraan, pero gumagamit ng fundamental analysis kapag kinakailangan. Misyon niyang tulungan ang mga trader mula sa iba't-ibang panig ng mundo na maintindihan ang walang hanggang posibilidad na maaaring ma-access ng lahat sa pamamagitan ng online trading!