Research Team

Research Team

Michalis Florentiades


Bilang Head of Investment Research at Chief Economist ng XM, mayroon nang malawak na karanasan at kaalaman si Michalis na nalikom niya dahil sa matagumpay na karera sa pinansyal na serbisyo na umabot ng mahigit 22 taon. Dahil nagkaroon siya ng maagang interes sa forex market, mga diskarte sa pag-i-invest, at mga kaganapan sa internasyonal na ekonomiya, nagtapos siya ng BSc sa Economics sa London School of Economics (LSE), na sinundan ng master's degree sa Mathematical Trading and Finance mula sa City University Business School.

Bago sumali sa XM, nagtrabaho siya bilang Head of Research sa Hellenic Bank, ang ikatlong pinakamalaking komersyal na nagpapautang sa bansa. Isa rin siyang CFA Charterholder at kabilang sa board ng Salamis Investment Company, isang global balanced fund of funds.

Research Team

Raffi Boyadjian


Nagtapos si Raffi mula sa London School of Economics noong 1999, na may BSc sa Business Mathematics and Statistics, at sumali pagkatapos sa Business Recoveries team ng PricewaterhouseCoopers. Noong 2007, sumali si Raffi sa Thomson Reuters, kung saan hawak niya ang mga market na nagsasalita ng Greek. Pagkatapos nito na-promote siya bilang Senior Analyst, bago maging Data Specialist noong 2012, na responsable sa mga proyekto sa pagsasama ng datos.

Sumali si Raffi sa XM noong 2015, kung saan nagsulat siya ng mga fundamental na ulat tungkol sa forex, commodity at equity market, pati na sa technical analysis. Siya ang kasalukuyang Lead Investment Analyst na nagbibigay ng maalam at mahalagang pagsusuri tungkol sa mga pinakabagong pinansyal na trend sa market.

Research Team

Marios Hadjikyriacos


Bahagi si Marios ng XM Research division simula pa noong 2017. Bago nito, nagbibigay siya ng pinansyal na pagsusuri, pag-uulat, at serbisyo sa pagkonsulta sa isa sa pinakamalalaking kumpanya ng pinansyal na serbisyo sa Cyprus. Dalubhasa siya sa pagtukoy at pag-forecast ng mga trend sa forex, commodity, at equity market, at pangunahin siyang gumagamit ng fundamental analysis.

Maliban sa pagiging aktibong komentarista sa mga pinansyal na market, si Marios ay kasali din sa CFA program at isang masugid na tagasunod ng mga kaganapan sa behavioral finance.

Research Team

Christina Parthenidou


Sumali si Christina sa XM investment research department noong Mayo 2017. Ang praktikal na aplikasyon ng matematika sa tunay na buhay ang naghimok sa kanya na magtapos ng bachelor’s degree sa Economics sa University of Cyprus, na sinundan ng master’s degree sa Economics and Business, na dalubhasa sa International Economics, mula sa Erasmus University Rotterdam.

Pinagsasama ng kanyang pananaliksik ang fundamental at technical analysis para makapagbigay ng kumpletong pananaw sa forex, stock, at commodity market.

Research Team

Melina Deltas


Sumali si Melina sa XM Research department noong Disyembre 2017 bilang isang Investment Analyst. Malinaw niyang naipapaalam ang galaw sa market, partikular na ang mga technical at chart pattern setup, pati na ang mga fundamental na kaalaman. Pinag-aaralan ng kanyang teknikal na pamamaraan ang price action sa magkakaibang timeframe, para mahuli ang malalaking galaw na nabubuo sa loob ng ilang taon. Mayroon siyang mahigit 6 taong karanasan sa pagsusuri sa mga pinansyal na market, at dalubhasa siya sa forex, mga index, at commodity.

Nag-aral si Melina ng Pure Mathematics sa Lancaster University at mayroong master's degree sa Monetary and Financial Economics mula sa University of Cyprus. Isa rin siyang associate member ng Society of Technical Analysts (STA) at isa ring Certified Financial Technician (CFTe).

Research Team

Stefanos Oikonomidis


Sumali si Stefanos sa XM bilang Junior Investment Analyst noong Setyembre 2021. Araw-araw niyang sinusuri ang mga currency, commodity, at equity market, mula sa fundamental at technical na pananaw. Bago siya sumali sa XM, nakakuha siya ng mahahalagang pananaw bilang Credit Risk Intern sa isang malaking bangko sa Greece.

Si Stefanos ay mayroong master's degree sa Finance mula sa Warwick Business School at bachelor's degree sa Accounting and Finance mula sa Athens University of Economics and Business. Naniniwala siya na para maging matagumpay sa industriya, kailangan mong tukuyin ang mga puwersa sa likod ng bawat galaw sa market, at ipaliwanag ito nang husto sa mga mambabasa.