Dalawa Pang Siyudad sa Malaysia Pinangyarihan ng Seminar

Nakapaskel Oktubre 23, 2017 ng 10:17 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mahabang serye ng mga seminar na sinimulan ng XM ngayong taglagas sa Malaysia ay nakarating sa dalawa pang destinasyon: sa Kedah at Kota Bharu, at nagbigay ito sa mga forex traders ng mas malalim na edukasyon tungkol sa mga teknik at istratehiya sa online investing.

Mula February, ang mga online investors sa Malaysia ay nagkaroon ng oportunidad para makasali sa mga libreng forex trading seminars na isinagawa sa iba’t-ibang lokasyon sa Malaysia, kung saan ang dalawang huling siyudad ay ang Kedah noong ika-30 ng September at Kota Bharu noong ika-21 ng October.

Ang forex instruktor na si Zulle Razak ang nagpresenta ng paksang pinamagatang Confluence Techniques sa Forex Trading sa bawat siyudad, at nagbigay siya ng propesyonal na gabay tungkol sa mga pinakamahalalagang aspeto sa pagsagawa ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade na mahusay na tumatakbo, basta’t base ito sa tamang kaalaman at patuloy na pinapabuting kaalaman sa pag-trade.

Matapos bigyan ang mga dumalo ng kaalaman tungkol sa mga confluence techniques na ginagamit sa spot forex trading, gaya ng pagsasama ng iba’t-ibang istratehiya sa isang kumpletong istratehiya, ipinaliwanag ni Zulle Razak ang mga ito gamit ang mga tunay na halimbawa. Ang mga dumalo ay hindi lamang natuto tungkol sa mekanismo ng global markets ngunit nabigyan din sila ng mga teknik na magagamit depende sa financial instruments na kanilang itini-trade at ang estilo na kanilang napili sa pag-trade.

Ang risk management at trading psychology ay binigyang tuon din sa mga paksang ipinaliwanag ni Zulle Razak, na nagbigay din sa mga baguhan ng impormasyon tungkol sa paghahawak ng kanilang kapital at pagpapababa ng epekto ng human factors na makakaapekto nang negatibo sa desisyon na mag-trade.

Gaya ng dati, ikinatutuwa naming bumalik sa Malaysia at makilala an gaming mga kliyente. Nais naming makabalik muli sa hinaharap.

Dito makikita mo ang aming mga nalalapit na forex trading seminar sa Kuantan sa ika-11 ng November at mag-book na ng iyong puwesto.