Kilalanin ang XM sa mga Pinansyal na Pulong sa Portugal at Spain

Nakapaskel Oktubre 29, 2019 ng 1:21 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Isa sa mga patuloy na pinaniniwalaan ng XM ay ang pagbubuo ng mga oportunidad para makilala sa personal ang mga kliyente saan mang panig ng mundo, at pagiging aktibo sa mga kaganapan kung saan makakasalamuha namin ang mga indibidwal na mahilig sa pag-i-invest online.

Isang malaking karangalan ang ibalita na sa pagitan ng Nobyembre 5-30, 2019, lalahok ang XM sa apat na magkakaibang pagtitipon sa Europa, kung saan ang bawat isa sa mga ito ay may layuning mapalapit ang mga indibidwal sa mundo ng pananalapi at pag-i-invest online.

Naniniwala din kami sa pagtuturo sa dumaraming mga nagti-trade at pagbibigay ng pagkakataon sa lumalawak na bilang ng mga indibidwal upang palawigin ang kanilang kaalaman bago sumabak sa pagti-trade ng forex. Ganito din ang palagay ng mga nalalapit na pulong na pupuntahan ng XM.

Ang apat na magkakasunod na interaktibong forum at pagpupulong tungkol sa pag-trade, kung saan nasasabik na kaming makilala ang mga kasalukuyan naming mga kliyente at lahat ng mga interesado sa pagti-trade online na pursigidong dalhin ang kanilang kaalaman sa susunod na lebel, ay ang mga sumusunod:

  • Rankia Markets Experience Lisboa – Tivoli Avenida Liberdade Lisboa – Lisbon, Portugal – Nob. 5
  • Rankia Markets Experience Madrid – Hotel Ilunion Pío XII – Madrid, Spain – Nob. 9
  • Congreso Financiero Foro Trading – Club de Prensa Diario Levante – València, Spain – Nob. 28
  • BullMarket 2019 – Hotel Ilunion Pío XII – Madrid, Spain – Nob. 30

Sa parehong Portugal at Spain, nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makasalamuha ang mga bisita na pursigidong malaman ang mga serbisyo at produkto na inaalok ng XM. Bukod dito, para matugunan ang pangangailangan ng mga baguhan pa lang sa mundo ng forex, magdadala din kami ng mga tagapagsalita na may layuning magbahagi ng mahahalagang impormasyon sa mga bisitang naniniwala na ang totoong kaalaman ay nakukuha sa pamamagitan ng edukasyon.

Kilalanin kami dito! Nasasabik na kaming makita ka sa pagtitipon na pinakamalapit sa iyong lugar.