Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Nagbigay kami ng espesyal na donasyon sa mga kapus-palad na batang Pilipino na may congenital heart disease. Kasama ang kanilang mga pamilya, ginawa naming mas masaya ang bisperas ng bagong taon. Sa pakikipagtulungan sa Chummy Chum Foundation at Heart Warriors Philippines, binigyan namin sila ng mga regalo, pagkain, at kagamitang medikal.
Masaya dapat ang pagdiriwang ng bagong taon. Pero sa kasamaang-palad, hindi ito nararamdaman ng mga batang may karamdaman. Kadalasan pa silang kapos sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Naniniwala kami na dapat maranasan ng lahat ang pagkakaroon ng masarap na pagkain at magagandang regalo, kaya isinama namin ang mga ‘to sa aming donasyon.
Nakatanggap ang mga bata ng manika, kotse, eroplano, at iba pang laruan na nagbigay ng ngiti sa kanilang mga mukha. Nagbigay din kami ng mga kagamitang medikal at iba pang bagay na makakatulong sa kanilang paggaling. Siyempre, hindi mawawala ang tradisyonal na Media Noche para kumpletuhin ang pagsalubong ng mga Pilipino sa bagong taon.
Nangangailangan ng habang buhay na gamutan ang mga batang may congenital heart disease. Marami sa kanila ang umaasa lang sa donasyon ng mga sponsor at organisasyon para mabuhay. Kaya naman pinasasalamatan namin ang aming mga partner sa pagbibigay sa amin ng oportunidad na tulungang tumibok ang puso nitong mga bata.
Layunin ng Heart Warriors Philippines na itaas ang kamalayan tungkol sa congenital at acquired heart disease, at lumikom ng donasyon at sponsor para sa mga batang may sakit.
Misyon ng Chummy Chum Foundation na magpamahagi ng mga pangangailangan para sa mga mahihirap na bata at iparamdam na may nagmamahal at kumakalinga sa kanila.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.
Sa pamamagitan ng pag-click sa "Magpatuloy", sumasang-ayon kang iproseso ng Trading Point of Financial Instruments Ltd ang personal na impormasyon na ibibigay mo sa pamamagitan ng live chat, alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Kumpanya, para makatanggap ng tulong mula sa aming Customer Experience Department.
Kung hindi ka sumasang-ayon dito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Members Area o sa filipino.support@xm.com.
Lahat ng mga paparating at papalabas na pag-uusap sa telepono, pati na ang ibang uri ng komunikasyon (kabilang na ang chat o mga email) sa pagitan natin ay ire-record at itatago para sa kalidad na pag-monitor, pagsasanay at kinakailangang pang-regulasyon.