Seminar tungkol sa Technical Analysis sa Thailand

Nakapaskel Agosto 23, 2017 ng 7:06 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ilang sandali matapos ginanap ang dalawang forex trading seminars noong July, ipinagpatuloy ng XM ang serye ng mga seminar nito sa Thailand sa pamamagitan ng pagbisita sa siyudad ng Chonburi noong ika-5 ng August at Ubon Ratchathani noong ika-19 ng August.

Ipinresenta ng Thai forex instruktor na si Sompop Jittrakul ang paksa ng seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River sa bawat siyudad, na sinalubong ng mga lokal na traders na dumalo sa parehong event sa tulong ng kanyang pagpapaliwanag sa kung paano magagamit ang technical analysis sa forex trading.

Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar, tinalakay ni Sompop Jittrakul ang mga pangunahing aspeto ng forex market at ang mga kailangang isaalang-alang kapag gumagawa ng trading goals, kabilang ng paggamit ng indicators sa pagtulong sa traders na tukuyin ang malalakas at mahihinang market trends. Ang mga dumalo ay ipinakilala sa tamang paggamit ng mga teknik para analisahin ang markets, bigyang kahulugan ang trading signals sa magkakaibang time frames, pati na rin ang tukuyin ang support at resistance levels para subaybayan ang paggalaw ng presyo. Ang panghapong sesyon ay inilaan sa paggamit ng automated tool na ginawa ng Tradepedia, ang Avramis River Indicator, na tumutulong sa mga online investors na tukuyin ang paggalaw ng market at kalakasan ng trend.

Sa parehong siyudad, ang mga dumalo ay nagkaroon din ng pagkakataong kilalanin ang mga kinatawan ng XM at talakayin ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest. Ikinagagalak namin muling salubungin ang mga bagong kliyente na pumunta sa seminar sa unang pagkakataon.

Lahat ng hindi nakapunta sa seminar sa Chonburi at Ubon Ratchathani ay may pagkakataon pang makilala kami sa loob ng ilang linggo, kung saan mararating ng XM ang dalawa sa panghuli nitong destinasyon ngayong September sa Hat Yai at Korat.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na mga seminar o mag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.