Seminar Tungkol sa Forex at CFD Trading Nakumpleto sa Genova

Nakapaskel Pebrero 21, 2017 ng 8:47 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa loob ng mahigit apat na taon, ang XM ay nag-host ng ilang mga seminar sa iba’t-ibang mga siyudad sa Italy. Ngayong pagkakataon, ang Genova ay naging lugar sa isa na namang forex seminar noong ika-18 ng February.

Ang technical analyst na si Lorenzo Sentino, na sinamahan ng mga miyembro ng XM, ay sumalubong sa mga dumalo sa Hotel Novotel Genova City, kung saan ipinresenta niya ang mga detalye tungkol sa mga istratehiya sa forex at CFD trading.

Dahil mayroong iba’t-ibang mga teknik at kaalaman ang mahalaga para sa mga baguhan sa online investing, ang pakay ni Lorenzo Sentino ay para talakayin ang basics ng financial markets, kasabay ng mga teknik sa pagsunod ng trends sa intraday trading. Ang mga dadalo ay maaaring magkaroon ng introduksyon kung paano maisagawa ang forex at stocks trading nang may maliit na risk at paglapat ng ilang mga epektibong trading tools.

Ang mga detalyeng ibinahagi ay tungkol iba’t-ibang mga mahahalagang istratehiya sa pag-trade at mga pamamamaraan para isama ito sa mga indibidwal na kasanayan sa investment. Higit pa dito, ipinakita din sa mga dumalo sa event kung paano magagamit ang ilan sa mga Tradepedia automated tools para mag-trade ng iba’t-ibang mga financial instruments.

Higit naming pinasasalamatan lahat ng mga kliyente na dumalo sa seminar, at nais namin ulit bumalik sa Italy sa hinaharap.