Seminar Tungkol sa mga Istratehiya sa Intraday Forex Trading Isinagawa sa Mexico

Nakapaskel Hunyo 21, 2017 ng 12:42 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Noong June17, 2017 ay isang mahalagang araw para sa XM dahil sa pag-host nito ng libreng seminar sa Mexico City sa unang pagkakataon.

Ang pang-edukasyonal na event ay isinagawa sa Hotel NH Collection Mexico City Reforma, kung saan sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga dumalo sa isang-araw na seminar na dedikado sa paksang Mga Istratehiya sa Intraday Forex Trading.

Ipinresenta ng Academia de Mercados, ang seminar ay idinisenyo para sa mga online traders na nais matuto tungkol sa mga teknik sa forex trading, partikular na ang mga trading tools para tukuyin ang pabago-bagong kundisyon sa market para paliitin ang risk.

Pinalawak ng Academia de Mercados ang konsepto ng gap trading, na nagbibigay daan para matukoy ng mga traders ang mga lugar sa price chart na tumutukoy sa kahinaan vs. kalakasan ng trend, na siya namang magagamit para malaman kung saan maaaring magsagawa ng positions. Higit pa, tinalakay din nang husto ang praktikal na paggamit ng chart pattern analysis, na may mahalagang papel para ma-visualize ng mga traders ang price action. Sa pangalawang bahagi ng seminar, tinalakay ng Academia de Mercados ang kahalagahan ng money management, na may layuning turuan ang mga dumalo na gumawa ng indibidwal na plano sa pag-trade na nababagay sa kanilang mga layunin at estilo. Dahil malaki ang parte ng trading psychology sa estilo ng bawat investor, naglaan din ng oras para talakayin ang mga teknik na magagamit sa risk management at ang kahalagahan ng disiplina sa pag-trade.

Ikinatutuwa naming makapunta sa Mexico City at makipag-ugnayan muli sa aming mga kliyente, at nais namin sila ulit pasalamatan sa pagdalo sa XM seminar.