Serye ng mga Seminar Ini-host ng XM sa Malaysia

Nakapaskel Marso 21, 2017 ng 10:13 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sumunod ang isang matagumpay na seminar sa Kuala Lumpur ngayong February, bumalik ang XM sa Malaysia para sa serye ng seminar na isinagawa sa dalawang magkaibang lokasyon: Penang and Johor Bahru.

Ang unang destinasyon ay ang Penang noong ika-25 ng February, na sinundan ng Johor Bahru noong ika-18 ng March, kung saan ang propesyonal na instructor na si Zulle Razak, na nag-presenta ng seminar na pinamagatang Confluence Techniques sa Forex Trading, ay nagtalakay sa mga dumalo ng mga kailangang malaman sa paggamit ng iba’t-ibang mga teknik sa spot forex trading.

Ang bawat seminar ay nagkaroon ng pang-umaga at panghapong sesyon, na nagbigay sa mga dumalo ng sapat na oras para intindihin ang impormasyon tungkol sa mga confluence strategies at nagbigay ito sa kanila ng mga praktikal na kaalaman sa kung paano ito magagamit sa indibidwal na kasanayan sa pag-trade.

Ikinatutuwa naming bumalik sa Malaysia para makilala nang personal ang aming mga kliyente. Pinasasalamatan namin lahat ng mga dumalo. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa Penang at Johor Bahru.

Magpapatuloy ang aming mga seminar sa Malaysia: bibisitahin namin ang Sabah sa ika-22 ng April at Miri sa ika-14 ng May. Para magbasa pa ng karagdagang detalye at makapag-rehistro na sa mga nalalapit na seminar, mag-click dito.