Matagumpay na Nakumpleto ang Forex Seminar sa Florence

Nakapaskel Oktubre 31, 2017 ng 8:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa lahat ng mga online investors na gustong makadalo ng libreng mga forex trading seminar na ginawa ng XM sa Italy ngayong taon, nagsagawa kami ng mga pang-edukasyonal na event, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa sa siyudad ng Florence noong ika-28 ng October.

Ang mga kinatawan ng aming kumpanya, kasabay ni Lorenzo Sentino, ang sumalubong sa napakaraming bilang ng kliyente sa Grand Hotel Adriatico, kung saan isinagawa ang seminar.

Ang forex instruktor na si Lorenzo Sentino ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa paksang pinamagatang Mga Pangunahing Konsepto sa Forex at CFD Trading, na idinisenyo para sa lahat ng mga nais maintindihan ang mga teknik sa pag-trade ng forex at CFD.

Ang event ay dedikado sa pagbibigay ng mga magagamit na impormasyon tungkol sa forex market, mga aspeto na nakakaapekto sa pagtaas o pagbaba ng market trending, at kung papaano alamin ang price action at gumawa ng desisyon base sa aktual na paggalaw ng presyo. Ang mga totoong halimbawa at personal na kaalaman na ibinahagi ni Lorenzo Sentino ay nakapagpabuti sa seminar, dahil ito ang pinaka-importanteng aspeto sa online trading: ang pagsasanay sa totoong buhay.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa XM forex trading seminar sa Florence, at nais na naming makabalik sa Italy para sa panibagong libreng seminar, na isasagawa sa Reggio Emilia sa ika-9 ng December.

Para makapagbasa pa ng detalye tungkol sa nalalapit na seminar sa Reggio Emilia at para makapag-rehistro na sa event, mangyaring mag-click dito.