Nalalapit: Panibagong mga Forex Seminar sa Mexico

Nakapaskel Agosto 10, 2018 ng 9:49 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng October 6 at 27 2018, magsasagawa ang XM ng apat na pang-edukasyonal na event sa magkakaibang lokasyon sa Mexico, sa pamamagitan ng mga forex trading seminar na may libreng rehistrasyon para sa lahat ng kasalukuyan at prospektibong mga kliyente.

Ang mga seminar ay makakarating sa Mérida, Mexico City, Tijuana at Guadalajara, kung saan tatalakayin ng propesyonal na tagapagsalita ng Tradepedia na si Karl Praz ang paksang pinamagatang Candlestick Reversals at Avramis River Indicator sa mga online investors na pupunta sa lokasyon at petsa na kanilang napili.

Maraming maidudulot ang seminar para sa online traders na dedikado sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa technical analysis, na siyang basehan sa pag-aaral at pagtukoy ng galaw ng presyo. Ang presentasyon ni Karl Praz ay tutuon sa paggamit ng Japanese candlesticks at indicators na ginagamit sa pag-trade ng forex o iba pang financial instruments, at maglalaan siya ng espesyal na tuon sa Avramis River Indicator na inimbento ng Tradepedia trading academy.

Dahil isa ang charts sa pinakamadadaling paraan para makita ang kasaysayan ng datos, ipapakita ni Karl Praz sa mga bisita kung paano magagamit ang candlestick chart patterns at indicators kapag sinusundan ang galaw ng market at tinutukoy ang mga market at instrument na malakas mag-trend.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala ang mga bagong kliyente at makipag-ugnayang muli sa mga kasalukuyang kliyente na pupunta sa alinmang seminar.

Magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at mag-reserba na ng puwesto para makapunta sa mga seminar ng XM sa Mexico ngayong October.